Rehabilitation sa mga nasirang kapaligiran, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total reads

Accountability at social responsibility ang panawagan ng Diocese of Balanga, Bataan sa mga kumpanya ng Coal Fired Power Plant sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, dapat may Corporate Social Responsibility ang mga kumpanya ng planta, dahil sa pinsalang idinudulot nito sa kalikasan at sa mamamayan.

Dagdag pa ng Obispo, bagamat nakapagbibigay ng hanapbuhay ang pagbubukas ng mga planta, ay mahalagang magkaloob din ang mga Coal Plant Companies ng alternatibong trabaho na hindi nakasisira sa kalikasan.

“Dapat meron ding Social Corporate responsibility na naibibigay sa tao, ang aming alam ang naibibigay lang ay yung trabaho sa Coal Plant at yun lang taxes na binabayad sa Gobyerno,” bahagi ng pahayag ni Bp. Santos sa programang Barangay Simbayanan.

Iginiit pa ng Obispo, na dapat mayroong rehabilitation programs para sa kapaligiran, dahil aniya handa namang tumulong ang mamamayan ng Bataan upang mapanumbalik ang kaayusan sa kanilang kapaligiran.

“Maganda na kung saan meron silang binibigay at binabayad sa kalikasan merong rehabilitation at pagtutulungan, at ito ang dapat nilang bigyang pansin, kaya kami nananawagan ng accountability at responsibility mula sa kanila,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Sa kasalukuyan mayroon nang limang iba’t ibang planta na nakatayo sa Bataan, ito ang Refinery Solid Fuel Fired Power Plant, San Miguel Global Power, Panasia Power Plant, GN Power Plant at Bataan Oil Refinery.

Iminungkahi naman ni Pope Francis, sa encyclical nitong Laudato Si ang pag-gamit sa renewable energy upang maibsan ang kakulangan sa kuryente, at mapalitan ang mga Coal Fired Power Plants na nakasasama sa kalikasan.

Read:
Likas na kagandahan ng Bataan, hindi matutumbasan ng kayamanan-Bishop Santos

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,074 total reads

 86,074 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,721 total reads

 163,721 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,169 total reads

 197,169 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,467 total reads

 232,467 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,615 total reads

 455,615 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 38,239 total reads

 38,239 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 31,125 total reads

 31,125 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top