Tama ba ang iyong mga pinili?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,092 total views

Mga Kapanalig, eksaktong isang taon sa araw na ito nang piliin natin ang mga taong nais nating manungkulan sa pamahalaan. Kung nanalo ang iyong mga ibinoto, masasabi mo bang tama ang iyong mga pinili?

Malapit na ring mag-isang taon sa gobyerno ang mga nanalo sa halalan, at magandang pagkakataon ito upang suriin natin kung saan na nila tayo dinala o planong dalhin ang ating bayan. Sa kanilang mga patakarang isinusulong, kaninong interes ba ang kanilang pinanigan? Sa kanilang pagtupad sa kanilang tungkulin, sila ba’y naging matapat at malinis? Sa mga paninindigan nila sa mahahalagang isyu, malinaw ba ang paggalang nila sa mga karapatan at dignidad ng tao? Bilang mga Kristiyano, pagnilayan natin kung ang paraan ba ng kanilang pamumuno ay katulad ng paglilingkod ni Hesus na naging matapang sa pagpuna sa mga tao at institusyong nagdudulot ng kawalan ng katarungan ngunit tulad ng isang mabuting pastol ay mahabangin sa mga taong nagkakasala at hinuhusgahan ng lipunan?

Mainam ring suriin ang ating mga pinuno—lalo na ang mga nasa pambansang posisyon—batay sa kanilang mga pananaw at aktwal na ikinilos o pasya patungkol sa dalawang bagay: ang pagbubuo ng ating bayan o nation-building at ang pagpapatatag ng ating demokrasya o democratic consolidation. Mahalaga ang mga ito lalo na’t, bilang isang bansa, paigting nang paigting ang ating ugnayan sa iba pang mga bansa. Haligi rin ang antas ng pagiging isang bayan natin at ang kalidad ng ating demokrasya ng pagtugon natin sa kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay.
Kung nation-building ang pag-uusapan, masasabi ba nating napagkakaisa tayo ng ating mga lider upang magkaroon tayo ng malinaw na pagkakakilanlan o identity bilang mga Pilipino, bilang mga mamamayan ng bansang Pilipinas? O nagiging dahilan ba sila upang higit tayong magkanya-kanya? Mukhang sa aspetong ito ay malayu-layo pa ang ating tatahakin para masabi nating lahat ay Pilipino “sa isip, sa salita, at sa gawa,” na ang problema ng Bangsamoro ay problema rin ng mga taga-Luzon, na ang pangarap ng mga kapatid nating lumad ay pangarap din ng mga Kristiyano. Pagnilayan natin ito, mga Kapanalig, lalo na’t patuloy ang kampanya para sa pederalismo na, sa isang banda, ay maaaring magbigay ng kapangyarihan sa mga taong magpasya para sa kanilang sarili, habang sa kabilang banda naman ay maaari itong gamiting instrumento ng mga maimpluwensiyang political dynasties upang mapanatili ang kanilang kapit sa kapangyarihan.
Sa usapin naman ng democratic consolidation, masasabi ba nating ang ating mga lider ay may pagpapahalaga sa boses ng mga mamamayan? O inilalagay ba natin sa iisang tao ang kapangyarihang magpasya para sa atin? Paano pinatatatag ng ating mga lider ang mga institusyong nagtitiyak na naipatutupad ang ating mga batas, na nababantayan at naibabalanse natin ang kapangyarihan ng mga taong nasa poder, na bukás sa pagkilatis natin ang mga gawain ng pamahalaan at napananagot natin ang mga kawani ng pamahalaang hindi ginampanan nang maayos ang kanilang tungkulin? Ang mga nakaupo ba sa puwesto ngayon ay kasama sa mga nagpapahina sa mga institusyong naggagawad ng katarungan at tumutugon sa kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay? Nababahala ang marami sa tila ba pagiging malapít ng ating mga lider sa mga taong lantarang pinagnakawan ang ating bayan noong sila’y nasa kapangyarihan, mga taong ang interes ng kanilang mga negosyo o ng kanilang mga kaalyado ang inuuna sa halip na ang kapakanan ng mga mahihirap. Buháy na buháy pa rin ang pagbabayad ng utang na loob at pagbibigayan ng pabor ng ating mga pulitiko.
Mga Kapanalig, nasa simula pa lang tayo ng anim na taóng panunungkulan ng administrasyong nangako sa atin ng pagbabago, hindi lamang para sa halos 17 milyong bumoto sa pangulo kundi para sa lahat ng Pilipino. Patuloy po tayong magbantay.
Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 36,437 total views

 36,437 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 64,442 total views

 64,442 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 82,242 total views

 82,242 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 80,662 total views

 80,662 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 190,371 total views

 190,371 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 36,438 total views

 36,438 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 64,443 total views

 64,443 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 82,243 total views

 82,243 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 80,663 total views

 80,663 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »
Scroll to Top