Huwag ng mag-iwan ng basura sa karagatan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,048 total reads

Nanawagan ang Haribon Foundation sa mga turista na huwag mag-iwan ng maraming plastic sa karagatan, kasabay ng pagdiriwang ng Month of the Ocean ngayong Mayo.

Ayon kay Ditto Dela Rosa – Marine Biologist ng grupo, pinapatay ng mga tambak na plastic ang buhay sa karagatan tulad ng mga hayop at halaman sa ilalim ng dagat.

Dagdag pa nito, sa pag-aaral ng kanilang grupo sa limang karagatan sa Pilipinas, unti-unti nang nawawala ang ilang mga uri ng isda na matatagpuan sa bansa, at nababawasan na rin ang karaniwang dami ng huli ng mga mangingisda.

“Kung maaari bawasan natin yung paggamit ng plastic, at magdala ng sariling lalagyan o inuman, tapos yung pagtatapon ng iba’t ibang klase ng basura hindi dapat mapariwara, matuto din mag-segregate. Tapos halimbawa, sa mga isla magdadala tayo ng gamit, kailangan kung ano yung dinala mo kukunin mo rin.” Panawagan ni dela Rosa sa programang Barangay Simbayanan.

Ngayong buwan ng Mayo ipinagdiriwang ang Month of the Ocean sa ilalim ng Presidential Proclamation 57 na inilabas ng pamahalaan noong 1999.

Layunin nito na mapaigting ang pangangalaga sa yamang dagat ng Pilipinas tulad ng mga Coral Reefs at endemic na uri ng mga isda.

Matatandaang idineklara ng United Nations ang Pilipinas bilang Center of the Marine Biodiversity dahil sa dami ng matatagpuang iba’t-ibang uri ng isda.

Unang nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa mamamayan na isapuso ang iniatas na tungkulin ng Diyos sa tao bilang tagapangalaga ng sanilikha.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 25,532 total reads

 25,532 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 48,389 total reads

 48,389 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 87,660 total reads

 87,660 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 121,788 total reads

 121,788 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 178,194 total reads

 178,194 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 17,554 total reads

 17,554 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 47,228 total reads

 47,228 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 40,086 total reads

 40,086 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top