Cardinal Tagle, pinangunahan ang misa para sa kaligtasan ng mga bihag ng Maute

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 505 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Pontificio Collegio Filipino sa Roma, para sa mamamayan ng Marawi na naiipit
sa gitna ng kaguluhang dulot ng mga teroristang grupo.

Ayon kay Rev. Fr. Greg Gaston – Rector ng paaralan, nag-alay ng Banal na Misa ang mga Filipinong Pari sa Roma sa pangunguna ni Caritas Internationalis President, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, para sa kaligtasan ng mga bihag ng Maute group, kabilang na si Fr. Chito Suganob.

“Pinagdadasal namin at kaninang umaga din dito [oras sa Roma] nag-misa dito si Cardinal Chito Tagle at sabi niya nga, ayan si Father Chito at ngayon din ay fiesta [sa Marawi] at nakakaantig kung iisipin natin mga [inosente] dun wala namang ginagawa, nagdadasal pa nga,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi pa ng Pari, makailang ulit na binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang pagkakaiba-iba ng relihiyon at paniniwala ay hindi dapat maging banta sa kaligtasan ng bawat tao, dahil ang iisang Diyos na minamahal at sinasamba natin ay hindi nanaising pumatay.

“Yung pagtingin sa relihiyon, ito’y pinaulit ulit ni Pope Francis na yung relihiyon ay hindi yan dapat magdala sa atin sa pagpatay sa ating kapwa kasi ang Diyos naman hindi gustong pumatay ng mga tao, hindi naman ibig sabihin na iba ang pag-unawa natin sa Panginoon, magpapatayan na tayo,” dagdag pa ng Pari.

Iginiit ng Pari na ang pananalig sa Panginoon ang dapat magdala ng kapayapaan at pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibang pananampalataya.

Batay sa pagsusuri ng Global Terrorism Index noong 2013, pang-siyam ang Pilipinas sa mga bansang lubhang naaapektuhan ng terorismo.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 17,116 total reads

 17,116 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 77,161 total reads

 77,161 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 162,528 total reads

 162,528 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 209,264 total reads

 209,264 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 257,135 total reads

 257,135 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 357,317 total reads

 357,317 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 3,203 total reads

 3,203 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 44,077 total reads

 44,077 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 36,951 total reads

 36,951 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top