Ayusin ang penal, justice at police system sa halip na death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 442 total views

 May mga usaping mas nararapat na tutukan ng pamahalaan sa halip na ang isinusulong na pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ito ang binigyang diin ni ‘Running Priest’ Rev. Father Robert Reyes kaugnay sa pagtatapos ng 21-araw na Lakbay Buhay March Caravan for Life na nagsimula noong ika-4 ng Mayo sa Cagayan de Oro.

Iginiit ng Pari na mas nararapat unahin ng mga mambabatas ang pagpapatatag sa justice system ng bansa, penal system at police system upang mas maging epektibo ang sistema ng katarungan sa bansa.

“Dami-daming dapat unahin halimbawa ang issue ng pag-kain ang daming nagugutom, ang issue ng magandang pamamalakad ng gobyerno lalong lalo na sa justice system, sa penal system, sa police system. Kapag epektibo ang pamamalakad ng pamahalaan, yung mga batas na extreme katulad ng bitay hindi na kailangan…” pahayag ni Father Reyes sa panayam sa Radio Veritas.

Ika-7 ng Marso nang inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4727 o panukalang pagbuhay ng parusang kamatayan sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa pumasang bersyon ng Kamara ipapataw lamang ang parusang kamatayan sa mga drug-related cases.

Sa tala ng Dangerous Drugs Board, sa Pilipinas aabot sa 1.8-milyong indibidwal ang gumagamit ng droga samantalang 4.8-milyon naman ang aminadong nakagamit o nakatikim ng ipinagbabawal na gamot.

Patuloy naman ang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan na isunusulong sa pamamagitan ng Death Penalty Bill sa Senado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 38,286 total views

 38,286 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 112,900 total views

 112,900 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 192,979 total views

 192,979 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 236,118 total views

 236,118 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 234,904 total views

 234,904 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top