Yolanda survivors, sumasalamin sa lakas ng pagtutulungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 565 total views

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop at Caritas Internationalis President Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang homiliya sa banal na misa sa St.Michael de Archangel parish, Basey, Samar sa Diocese of Calbayog na dinaluhan ng mga Yolanda survivors, mga Obispo, mga Social Action Centers ng Simbahang Katolika at mga representative ng iba’t-ibang Caritas Internationalis organizations.

“Mga minamahal na Kapanalig sa Panginoong Hesu-Kristo, ito po si Cardinal Chito Tagle ng Archdiocese Of Manila at nandito po kami ngayon sa parokya ng St. Michael De Archangel sa Basey, Samar na bahagi Diocese of Calbayog. Kaya po kami nandito dahil ang ibat-ibang local na dioceses na may social action, pati ang mga Caritas na galing sa ibat-ibang bansa na tumulong sa rehabilitation ng mga community na nasira at nasalanta ng bagyong Yolanda. Ngayon po ay sinasara, tinatapos ang tatlong taon ng rehabilitation.”mensahe ni Cardinal Tagle

Ang pagpunta ni Cardinal Tagle sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda ay selebrasyon ng pasasalamat para sa mga survivors na nagpakita ng lakas ng loob gayundin sa ibat-ibang organisasyon ng Simbahan na tumulong para makatayong muli ang mga biktima ng kalamidad.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang pagbangon ng Yolanda survivors ay pagpapakita sa lakas ng pagtutulungan.

“Ito po ay isang pagpapakita ng lakas ng pagtutulungan, kung papaano ang pagtutulungan ay nagbibigay ng hindi lamang materyal na tulong kundi ng kinakailangang lakas ng loob, pag-asa sa mga taong dumaraan sa mga pagsubok. Kitang kita ko yan sa mga survivors, hindi lang sila talaga survivors, sila po ay nakatayo at sila naman ngayon ay nagsisikap na ang kanilang buhay ay buuin”.bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Binigyan diin ni Cardinal Tagle na ang pagbangon muli ng Yolanda survivors ay pagdiriwang ng pasasalamat
at affirmation na tunay ang pag-ibig ay magbabago sa mundo.

“Ito ay pagdiriwang ng pasasalamat at affirmation na tunay ang pag-ibig magbabago ang mundo. Kapag may tunay na pag-ibig may pag-asa. Sana po itong araw ay maging mensahe at umalingawngaw sa buong Pilipinas at buong daigdig.”pahayag ni Cardinal Tagle

Ipinagdarasal ng kanyang Kabunyian na ang himig ng pag-ibig ay pumalit sa mga sumira ng buhay at ang lakas
ng pagtutulungan ay pumalit sa mga injustice,diskriminasyon at maling paggamit ng poder ng kapangyarihan.

“Sana ang himig ng pag-ibig ang pumalit sa mga sumisira sa buhay. Sana ang pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob ang pumalit sa mga bakbakan, sa mga sisihan at hindi magagandang salita na ibinabato sa kapwa. Sana ang lakas ng pagtutulungan ang siyang pumalit sa lakad ng huwad ng inhustisya, diskriminasyon at maling paggamit ng poder.”mensahe ni Cardinal Tagle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 53,731 total views

 53,731 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 53,731 total views

 53,731 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 53,731 total views

 53,731 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 52,099 total views

 52,099 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 47,593 total views

 47,593 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 68,990 total views

 68,990 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top