Cardinal Tagle, pinangunahan ang funeral mass ni Bishop Tumulak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total reads

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang funeral mass para sa yumaong Bishop Leopoldo Tumulak ng Military Ordinariate of the Philippines.

Isinagawa ang misa sa St. Ignatius Cathedral Camp Aguinaldo, Quezon City na dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at mga kaaanak ng namayapang Obispo.
Sinabi Cardinal Tagle na nagkaroon siya ng pagkakataon na madalaw si Bishop Tumulak sa pagamutan na tila namamaalam na at nabanggit ng Obispo na natapos na niya ang ilang benepisyong nararapat para sa clergy ng military diocese.
Sa isang simpleng seremonya, naging masaya ang pagtitipon nang ikuwento ni Cardinal Tagle ang kanilang maigsing pag-uusap ni Bishop Tumulak habang nakaratay sa pagamutan.

Sinabi ni Cardinal Tagle na hindi nawawala sa Obispo ang kaniyang pagmamahal, pagiging totoo at pagiging payak. “Sabi niya sa akin, your Eminence kung ano man ang mangyari sa akin, I have tried my best to secure the clergy, the Military Odinariate, the medical and insurance they need. Kahit papaano may nasimulan na diyan,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ibinahagi ni Cardinal Tagle ang kahilingan ni Bishop Tumulak na magpa-picture sila kasama ang kaniyang pamilya. “He said Your Eminence, can I have a favor nandito ang family ko puwede po bang magpapicture-taking. (nagkatawanan) On that note I said, wow! If this is goodbye, he did not lost his sense of humanity and his sense of humor even,” kuwento pa ni Cardinal Tagle.
Ang labi ni Bishop Tumulak ay dadalhin sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus Pasay City para ihimlay sa kaniyang huling hantungan.

Dumalo rin sa funeral mass ang mga Obispo mula sa Ecclesiastical province of Manila na sina Bishops Honesto Ongtioco ng Cubao, Pablo Virgilio David ng Caloocan, Antonio Tobias, Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr.; Reynaldo Evangelista ng Imus; Broderick Pabillo ng Manila; sa Luzon na sina Archbishop Socrates Villegas at Bishop Elmer Mangalinao ng Lingayen-Dagupan; sa Visayas sina Archbishop Jose Palma at Bishop Dennis Espejo ng Cebu; Bishop Crispin Varquez ng Borongan; at mula sa Mindanao Arcbishops Romulo Dela Cruz ng Zamboanga; Martin Jumoad ng Ozamiz, at Romulo Valles ng Davao.
Si Bishop Tumulak ay namayapa sa sakit na pancreatic cancer noong Sabado, June 17 sa edad na 72.
Ang Obispo ay tubong Santander, Cebu. Inordinahan bilang pari noong 1972 at itinalagang Obispo noong 1987. Siya rin ay naitalagang Obispo ng Tagbilaran Diocese noong 1992.

Si Bishop Tumulak ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care at dating chairman ng CBCP-Episcopal Committee on the Cultural Heritage of the Church.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,835 total reads

 8,835 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,507 total reads

 63,507 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,872 total reads

 148,872 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,609 total reads

 195,609 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,481 total reads

 243,481 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,313 total reads

 344,312 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top