Underwater Themed Park sa Palawan, kinondena ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Kinondena ni Father Ed Pariño Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang panukalang pagtatayo ng Underwater Themed Park sa Coron Palawan.

Ayon sa pari, kung matutuloy ang proyekto ay maraming katutubo ang mawawalan ng tahanan dahil masyadong malaki ang sakop ng 400 hectare themed park.

Pinangangambahan rin ni Fr. Pariño ang pagkasira ng mga coral reefs na matagal na inalagaan at prineserba ng mga katutubo at lokal na mandaragat ng Coron, Busuanga, Culion at Linapacan.

Iginiit ng pari na hindi patas para sa mga katutubo at lokal na residente na lehitimong nagmamay-ari at nakikinabang sa yaman ng kalikasan na basta na lamang itong kakamkamin ng mga mayayamang dayuhan.

“Libreng libre na sa amin ito, makikita na agad yung ganda ng aming coral reefs, tapos ang mangyayari nito kapag pinapasok namin sila e magbabayad na kami. Teka muna para naman yatang unfair? Sila ang makikinabang sa lehitimong sa mga taga-Palawan especially mga taga-Coron, Busuanga, Culion at Linapacan, samantalang kami rin ang nagpreserve, ito ring mga katutubong ito ang nagpreserve ng lahat ng yon,”pahayag ni Fr. Pariño sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, sinabi ni Fr. Pariño na naghahanda sila para sa isang Forum na naglalayong ipaalam sa mga lokal na residente at mga katutubo ang tunay na sitwasyong kinakaharap ng Palawan.

Imbitado sa isasagawang Forum sa July 18, simula ala una hanggang alas singko ng hapon ang iba’t ibang stakeholders sa Coron kabilang na ang Lokal na pamahalaan, association of restaurants and hotel owners, mga lider ng katutubo sa Coron, Academe at iba’t ibang NGO.

Hinimok din ni Fr. Pariño ang iba pang environmentalist na makiisa sa kanilan pagprotekta sa Palawan na tinaguriang “The Last Frontier.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,783 total reads

 75,783 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,081 total reads

 154,081 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,528 total reads

 187,528 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,825 total reads

 222,825 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,310 total reads

 446,310 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 38,080 total reads

 38,080 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,966 total reads

 30,966 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top