Matatamo ang katarungan at kapayapaan kung mayroong conversion

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 383 total reads

Matatamo ang katarungan at kapayapaan kung magkakaroon ng pagbabalik loob na magsisimula sa puso ng bawat isa.

Ito ang mensahe ni Haiti Archbishop Bernardito Auza, Apostolic Nuncio Permanent Observer of the Holy See to the United Nation sa ikalawang araw ng PCNE4 sa University of Sto.Tomas.

“Conversion is a condition of peace. Without conversion, peace will always remain ideal,” ayon kay Archbishop Auza.

Giit ng Arsobispo hindi makakamit ang kapayapaan kung patuloy pa rin ang paglikha ng malalakas na armas sa halip ay dapat manaig ang pagkilala sa bawat isa bilang magkakapatid.

Ang PCNE4 ay simula July 28 hanggang July 30, 2017 sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas.

Ayon sa Arsobispo, hindi maihihiwalay sa pananampalatayang Filipino ang pagtatangi sa Mahal na Ina kung saan ang bansa ay may ibat-ibang katawagan kay Maria ang ina ni Hesus.

Binigyan diin ng arsobispo na ang Mahal na Ina ay may masidhing pagnanais para sa kapayapaan tulad ng naging habilin nito sa Fatima sa tatlong batang pastol.

Subalit, maging ang pagkilos tungo sa kapayapaan ay hindi maipapatupad kung hindi isasakatuparan ang panawagan ng pagbabalik loob.

Si Archbishop Auza ay tubong Tagbilaran Bohol at una naring naging kinatawan ng Vatican sa Madagascar, South Indian Ocean, Bulgaria at Albania.

Taong 2008 naman ng maitalagang Apostolic Nuncio to Haiti bago naitalaga sa UN noong 2014.

Kasama ring nag-concelebrate sa misa sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Most Rev. Salvatore Fisichella President, Pontifical Council for Promoting the New Evangelization.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 44,654 total reads

 44,654 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,019 total reads

 130,019 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 176,755 total reads

 176,755 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 224,627 total reads

 224,627 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,515 total reads

 326,515 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top