Krisis sa Pilipinas, dulot ng paghihiwalay ng loob sa katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 561 total reads

Ang krisis ng bansa ay dahil sa pagkakahiwalay ng loob sa katotohanan.

Ito ang mensahe ni Fr. Albert Alejo SJ sa kaniyang pagninilay sa temang Kapwa and Loob: The Filipino Concept of Communion and Solidarity, sa pagpapatuloy ng 3-day 4th Philippine Conference on New Evangelization na isinasagawa sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas simula July 28-30.

Ayon kay Fr. Alejo, hindi dapat inihihiwalay ang kalooban sa kapwa maging ano man ito sa lipunan dahil ang lahat ay may damdamin na nangangailangan ng pagtanggap at pag-unawa.

Giit ng pari, dapat ating makita sa bawat isa ang ugnayan, bilang iisang mga nilalang na matatagpuan sa ating kalooban.

“Palalilimin po natin ang ating kalooban sa mga tao. Dahil ang lahat ay maaring magbago,” ayon kay Fr. Alejo.

Iniugnay din ng pari ang mga pangyayari hinggil sa mga ulat na pagpaslang sa mga taong pinaghihinalaang may kaugnayan sa illegal na droga.

Hinikayat din ng pari ang bawat isa para sa paglilinis ng kalooban at makilala ang katotohanan dahil na rin sa pagkalat ng mga false news at paglikha ng fake news lalu na sa social media.

Paliwanag ng pari, dapat bigyang pagpapahalaga ang salita at wika dahil ito ang tulay sa pakikipag-ugnayan.

“Ang tunay na pagpapahalaga ng loob ay mula sa totoo at tamang paggamit ng salita. Hindi pwedeng idevelop ang ispiritwalidad at kapwa kung balasubas tayo sa paggamit ng salita,” ayon kay Fr. Alejo

Hangad din ni Fr. Alejo ang pagkakaron ng pambansang paghingi ng patawad, pagbabagong loob para sa lahat ng nakagawa ng pananakit ng loob sa kaniyang kapwa.

Si Fr. Alejo ay author at theologian mula sa Loyola School of Theology, Ateneo de Manila University.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 41,668 total reads

 41,668 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,042 total reads

 127,042 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 173,779 total reads

 173,779 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,651 total reads

 221,651 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 323,687 total reads

 323,687 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top