Amerika higit na kailangan sa relief at rehab sa Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total reads

Hinimok ni Marawi Bishop Edwin Dela Pena ang international community na tumulong sa relief operation at rehabilitation ng Marawi City, sa halip na pagtugis sa mga bandidong Maute Group.

Ito ang panawagan ng Obispo kaugnay na rin sa ulat na alok na tulong ng Estados Unidos na magsagawa ng air strike sa Marawi para tuluyan ng matapos ang digmaan doon.

“Kung gusto nila tumulong, yung ito sa epekto ng giyera. Ang daming maari nilang gawin para makatulong. Itong relief operation, yung rehabilitation ang pagbangon muli ng Marawi. Yun ang maari nilang itulong sa atin, pero ung makikialam sila sa atin ay hindi ako pumapayag nyan e,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Dela Pena.

Ayon pa sa obispo sa kasalukuyan ay wala pang bagong balita silang natatanggap mula sa pamahalaan hinggil sa estado ng mga hostages, kabilang na ang bihag na pari na si Fr. Chito Suganob.

Aniya, ang huling balita na kaniyang natanggap ay noon pang August 1 – na tulad sa lumabas na ulat ay sinasabing buhay pa si Fr. Suganob, at ang pagkoconvert ng mga bihag sa Islam na ginagamit din bilang mga Maute warriors.

“Pero ung aming mga hostages ay may edad na yun. Yung iba ay senior na ‘yun, marami silang maintenance na tine-take every day wala silang maintenance ilang buwan na ngayon. Kaya nga senior e kailangan na tuloy tuloy ang kanilang maintenance medicine. Pinangangamba namin ang kalusugan nila,” ayon kay Bishop Dela Pena.

Sa kasalukuyan ay may tatlong buwan na ang umiiral na digmaan sa Marawi City dahilan din para palawigin ng pamahalaan ang martial law ng hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Umaabot na rin sa 695 ang naitalang nasawi sa kaguluhan kabilang na dito ang 528 mula sa mga terorista, 122 mga sundalo at pulis at 45 ang mga sibilyan.

Una nang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na walang pag-unlad sa isang bansang may digmaan at makakamit lamang ang kapayapaan sa pamamagitan ng payapang dayalogo at hindi sa pamamagitan ng karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 5,316 total reads

 5,316 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 44,906 total reads

 44,906 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 80,340 total reads

 80,340 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 306,610 total reads

 306,610 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 199,721 total reads

 199,721 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 7,107 total reads

 7,107 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top