Pagbuwag sa Negros region, ikinalulungkot ng mga Negrense

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Pagbuwag sa Negros region, ikinalulungkot ng mga Negrense.

Nagpahayag ng pagkadismaya at panghihinayang ang Diocese of San Carlos, Negros Occidental sa pagbuwag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa binuong One Negros Island noong 2015 na tinaguriang Negros Island Region.

Ayon kay Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, lubos na ikinagulat at ikinalungkot ng mga Negrense ang naturang hakbang.

Ngunit tiniyak naman ng Obispo ang pagrespeto sa naging desisyon ng Pangulo.

Sa kabila nito, ibinahagi ng Obispo na isang malaking katanungan pa rin ang muling paghihiwalay sa Negros Oriental at Negros Occidental na kahit pa hindi napagkalooban ng sapat na pondo ng pamahalaan mula ng mabuo 2-taon na ang nakakalipas ay naging maunlad naman ang lokal na kalakalan.

“But if I’m asked I would raise that it should be given a chance, that’s why we are saddened pero we respect the decision ng Pangulo, kasi siya naman ang Pangulo pero actually nalungkot talaga kami kasi if its the budget that is the concern, we are going on for the last 2 years since its creation without the budget from the national government and we are doing well and that’s beside the money that we can get from Negros Oriental and Occidental are highest in terms of revenues…” pahayag ni Bishop Gerardo Alminaza sa panayam sa Radio Veritas.

Nauna nang naitala sa 2015 Annual Financial Report for Local Government Units ng Commission on Audit (COA) ang Negros Occidental at Negros Oriental bilang dalawa sa pinakamayayaman na probinsya sa buong bansa.

Ang Negros Occidental ang ikatlong pinakamayamang probinsya sa bansa na may 5.592 bilyong pisong net worth habang pang-lima naman ang Negros Oriental sa pinakamayang probinsya na may 4.955 bilyong net worth.

Sa ilalim ng EO 38 bubuwagin muli ang binuong One Negros Island kung saan muli ng mapapabilang sa Region 6 ang Negros Occidental habang muli naman babalik sa Region 7 ang Negros Oriental dahil aniya sa kawalan ng sapat na pondo ng pamahalaan.

Pagbabahagi naman ng Obispo, hindi sapat na batayan sa pagbuwag sa rehiyon ang kawalan ng pondo sapagkat mula ng buuin ang naturang rehiyon ay wala talagang sapat na alokasyon ng pondo na inilaan dito.

“Since the beginning wala naman silang budget na ibinigay were just getting the same budget that’s coming from Region 6 and Region 7, wala pa talagang allocation and we are just using whatever is still available at maganda naman yung improvement in fact yung mga CHED, CEAP ay nagmo-move na together and we don’t have to go across the island to transact yung mga document and all that…” Pagbabahagi pa ni Bishop Gerardo Alminaza.

Sa ilalim ng EO 38 ay inaatasan ng naturang kautusan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na pangunahan ang muling paghihiwalay ng rehiyon kung saan bibigyan ng 60-araw ang mga kawani ng Negros Island Region na isaayos ang lahat ng mga operasyon at transaksyon sa rehiyon habang inaasahan rin ang muling pagbabago ng deployments ng iba pang mga kawani ng mga ahensya at departamento sa dating One Negros Island.

Dahil dito, lubos ang panghihinayang ng Obispo sa maari pa aniyang maging pag-unlad sa dalawang lalawigan mula ng ito ay pag-isahin bilang Negros Island Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 4,121 total reads

 4,121 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 43,711 total reads

 43,711 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 79,200 total reads

 79,200 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 305,470 total reads

 305,470 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 198,672 total reads

 198,672 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top