Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Amerika higit na kailangan sa relief at rehab sa Marawi

SHARE THE TRUTH

 426 total views

Hinimok ni Marawi Bishop Edwin Dela Pena ang international community na tumulong sa relief operation at rehabilitation ng Marawi City, sa halip na pagtugis sa mga bandidong Maute Group.

Ito ang panawagan ng Obispo kaugnay na rin sa ulat na alok na tulong ng Estados Unidos na magsagawa ng air strike sa Marawi para tuluyan ng matapos ang digmaan doon.

“Kung gusto nila tumulong, yung ito sa epekto ng giyera. Ang daming maari nilang gawin para makatulong. Itong relief operation, yung rehabilitation ang pagbangon muli ng Marawi. Yun ang maari nilang itulong sa atin, pero ung makikialam sila sa atin ay hindi ako pumapayag nyan e,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Dela Pena.

Ayon pa sa obispo sa kasalukuyan ay wala pang bagong balita silang natatanggap mula sa pamahalaan hinggil sa estado ng mga hostages, kabilang na ang bihag na pari na si Fr. Chito Suganob.

Aniya, ang huling balita na kaniyang natanggap ay noon pang August 1 – na tulad sa lumabas na ulat ay sinasabing buhay pa si Fr. Suganob, at ang pagkoconvert ng mga bihag sa Islam na ginagamit din bilang mga Maute warriors.

“Pero ung aming mga hostages ay may edad na yun. Yung iba ay senior na ‘yun, marami silang maintenance na tine-take every day wala silang maintenance ilang buwan na ngayon. Kaya nga senior e kailangan na tuloy tuloy ang kanilang maintenance medicine. Pinangangamba namin ang kalusugan nila,” ayon kay Bishop Dela Pena.

Sa kasalukuyan ay may tatlong buwan na ang umiiral na digmaan sa Marawi City dahilan din para palawigin ng pamahalaan ang martial law ng hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Umaabot na rin sa 695 ang naitalang nasawi sa kaguluhan kabilang na dito ang 528 mula sa mga terorista, 122 mga sundalo at pulis at 45 ang mga sibilyan.

Una nang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na walang pag-unlad sa isang bansang may digmaan at makakamit lamang ang kapayapaan sa pamamagitan ng payapang dayalogo at hindi sa pamamagitan ng karahasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 59,559 total views

 59,559 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 77,908 total views

 77,908 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 96,192 total views

 96,192 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 251,005 total views

 251,005 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 295,452 total views

 295,452 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pagbabago sa Traslacion 2027, inaasahan

 66,187 total views

 66,187 total views Tiniyak ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagkakaroon muli ng pagbabago sa gagawing pagdiriwang ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno para sa

Read More »

2026 national budget, nilagdaan ni PBBM

 56,500 total views

 56,500 total views Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PHP6.793 trillion National budget para sa taong 2026. Ginanap ang paglagda sa General Appropriations

Read More »
Scroll to Top