Samahang Muslim at Kristiyano sa Mindanao, lalong tumatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,031 total reads

Lalong tumatag ang samahan ng mga Kristyano at Muslim sa Mindanao sa kabila ng patuloy na krisis sa rehiyon.

Ito ang ibinahagi ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo sa kabila ng patuloy na pag-iral ng Martial Law sa rehiyon dulot ng bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Cardinal Quevedo, mapayapa ang pamumuhay at samahan ng mga Muslim at Kristiyano sa Mindanao kung saan tila walang pagkakaibang namamayani sa bawat mamamayan na sama-samang nabubuhay ng normal sa araw-araw.

“It’s very good, they are ordinary people, it’s the terrorist are making Muslims and Christians in secure even the Muslims and ordinarily we walk together, we go to market together, children go to school together so parang walang Muslim and Christian sa kanila parang ordinary citizens lang sila…” pahayag ni Cardinal Quevedo sa panayam sa Radio Veritas.

Matatandaang, ika-23 ng Mayo ng idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao kasunod ng pag-atake at tangkang pag-kubkob ng teroristang grupong Maute sa Marawi City.

Habang noong ika-22 ng Hulyo ay inaprubahan ng Kongreso sa isinagawang Joint Session ang pagpapalawig sa Batas Militar sa rehiyon hanggang sa ika-31 ng Disyembre alinsunod narin sa naging apela ni Pangulong Duterte.

Saklaw ng umiiral na Martial Law ang 25 lalawigan at 27 lungsod ng Mindanao na may tinatayang aabot sa 30-milyong populasyon na karamihan o mayorya ay mga Muslim kung saan mayroon ring aabot sa 20 arkidiyosesis at diyosesis ang Simbahang Katolika.

Matatandaang una nang binigyang diin ng mga Obispo mula sa Mindanao na hindi maituturing na “religious war” ang nagaganap na kaguluhan sa rehiyon na dulot ng mga teroristang grupong nais maghasik ng kaguluhan at takot sa mga mamamayan.

Gayunpaman, bukod sa kalagayan ng mga apektadong residente sa patuloy na bakbakan sa Marawi City at kaguluhan sa rehiyon ng Mindanao ay patuloy ang panalangin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa kaligtasan at kalayaan ng lahat ng mga bihag ng teroristang grupo kabilang na si Fr. Chito Suganob na siyang Vicar General ng Prelatura ng Marawi.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 5,483 total reads

 5,483 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 26,038 total reads

 26,038 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 89,498 total reads

 89,498 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 174,864 total reads

 174,864 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 221,600 total reads

 221,600 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 269,474 total reads

 269,474 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 369,023 total reads

 369,023 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top