Kaugnayan ng “ill-gotten wealth” ni Bautista sa 2016 elections, imbestigahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total reads

Ang epekto o kaugnayan sa nagdaang halalang pambansa ng mga alegasyon laban kay Commission on Elections Chairman Andres Bautista ang dapat na tutukan sa imbestigasyon at hindi ang alitan ng mag-asawa.

Ito ang panawagan sa mga mambabatas ni Atty. Rona Ann Caritos, Executive Director of Legal Network For Truthful Elections (LENTE) kaugnay sa ipinahayag ng ilang mambabatas na pagnanais na imbestigahan ang sinasabing mga tagong yaman ni Chairman Bautista base sa alegasyon ng kanyang dating asawang si Patricia Paz-Bautista.

Giit ni Atty. Caritos, hindi na dapat pang makisali ang mga mambabatas sa tila media circus sa naturang kontrobersiya sa halip ay masusing imbestigahan ang maaring naging kaugnayan ng mga sinasabing tagong yaman o ill-gotten wealth ng opisyal sa nakaraang pambansang halalan.

“masyado nang malaking media circus yung nagagawa, ang pinag-uusapan lang naman ay away mag-asawa, mas importante po dito yung alegasyon na yung pera ay nagamit para makaapekto dun sa eleksyon natin nitong nakaraang taon, so yan po yung mas gusto nating tutukan ng pansin ng ating Blue Ribbon Committee, ng ating Senate at ng ating House of the Representatives kasi kung mag-iimbestiga lang sila pero wala rin namang impeachment parang sumali lang sila dun sa media circus…” pahayag ni Caritos sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa idineklarang yaman ni Chairman Bautista noong 2015 umaabot lamang ang kanyang net worth sa
170.3-million pesos habang umabot naman ito sa 176.3-million pesos noong 2016.

Gayunman, batay sa mga ibinunyag ng kanyang asawang si Patricia, aabot sa 1.2-billion pesos ang net worth
ni Bautista, kabilang ang shares sa stock na 338-milyong piso, pension plan na aabot sa 22-milyong piso,
800-bank accounts at ilang pang international accounts sa iba’t-ibang bansa.

Mariin namang pinabulaanan ni Chairman Bautista ang mga alegasyon ng dating asawa at iginiit na
walang katotohanan ang sinasabing kanyang mga tagong yaman.

Sa bahagi ng Simbahan ang katapatan ng mga opisyal ng bayan ay higit na mahalaga sapagkat karapatan
ng mamamayan na malaman ang tunay na katotohanan sa mga usapin ng katiwalian lalu’t ang pondo ng bayan ang maaring mawaldas na dapat sana ay para sa mga programa at serbisyo para sa publiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 12,286 total reads

 12,286 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 48,786 total reads

 48,786 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 269,406 total reads

 269,406 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 304,076 total reads

 304,076 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 319,218 total reads

 319,218 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top