Vice mayor Duterte, napapanahong harapin ang Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Hindi na dapat hintayin ni Davao City vice Mayor Paolo Duterte ang imbitasyon ng Senado hinggil sa pagkakasangkot sa 6.4 billion peso smuggled shabu mula sa China.

Ito ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz kaugnay na rin sa pagkakabanggit ng pangalan ng bise alkalde na anak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isinasagawang Senate inquiry na sangkot sa pagpupuslit ng droga.

Sinabi ng Arsobispo na ito ang pagkakataon para linisin ng bise alkalde ang kanyang pangalan.

Paliwanag ng arsobispo, mahalagang linisin ng batang Duterte ang kanyang pangalan lalu’t pangunahing adbokasiya ng Ama ang pagsawata sa illegal na droga sa bansa na siya ring dahilan ng maigting na war on drugs.

Una na ring nabatikos ang Pangulong Duterte sa war on drugs campaign na umabot na sa 13 libo ang napapaslang subalit nakakapuslit naman sa bansa ang tone-toneladang illegal na droga at pagkadawit ng pangalan ng kaniyang anak.

“Pagka’t nakakahiya na ang Tatay nya ay may kinakanta, Siya naman ay iba ang himig. Magkasalungat. So, siya mismo ay dapat lumantad na, magsalita na. Huwag na hintayin ang tawag ng Senado,”pahayag ni Archbishop Cruz.

Sa pagpapatuloy ng Senate inquiry, bagama’t hindi direkta ang transaksyon sa batang Duterte ay ilang ulit na nababanggit ang kaniyang pangalan sa Bureau of Customs scandal na bahagi ng Davao Group base sa testimonya ng fixer/broker na si Mark Taguba.

Sinasabi sa katesismo na ang katotohanan ay isang kabutihan na hindi lamang sa salita kundi sa gawa- at kaakibat nito ang pagbabantay laban sa panloloko at pagpapaimbabaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 77,607 total reads

 77,607 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 125,273 total reads

 125,273 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,144 total reads

 173,144 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,091 total reads

 277,091 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 359,576 total reads

 359,576 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top