Greenpeace, tututulan ang anumang banta sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 293 total views

Mananatiling mapagmatyag ang Greenpeace Philippines sa mga banta sa pagkasira ng kalikasan.

Ito ang inihayag ni Vince Cinches, Oceans campaigner ng grupo matapos umatras ang Viacom International Media Network at Coral World Park sa pagtatayo ng Nickelodeon Theme Park sa Coron, Palawan.

Nakatitiyak si Cinches na marami pang pagbabanta ang darating sa lalawigan kaya mananatiling aktibo ang kanilang grupo kaisa ang mga lokal na residente at Simbahan sa Coron Palawan.

“We would like to believe na meron pa, because alam mo naman yung greed, gustong kumita ng pera to the extent of our environment will still be there, but the commitment of Greenpeace and other organization, we will continue to monitor and be vigilant about any other proposed project that will destroy the environment and eventually displace the communities in the area. Patuloy namin itong babantayan,” bahagi ng pahayag ni Cinches sa Radyo Veritas.

Pinuri ng Greenpeace Philippines ang ginawang pangunguna ng Simbahang Katoliko sa pagbibigay ng proteksyon sa Coron, Palawan.

Ayon kay Cinches, matapang na pinamunuan ni Fr. Ed Pariño, Social Action Director ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan ang kampanya laban sa pagtatayo ng Nickelodeon Theme Park sa Coron.

“Greenpeace would like to congratulate everybody, those who are involved in the campaign from the start specially sa communities sa Coron, our Tagbanua brothers and sisters, and specially kay Fr. Ed Pariño, dahil yung Church ang Social Action sa Coron, they’ve been at the forefront actively campaigning and coordinating with different organizations in Manila, to make sure that the opposition against the proposed project ng Nickelodeon at Coral World Park ay hindi matutuloy sa community,” dagdag pa ni Cinches.

Matatandaang, labis ang kagalakan ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan matapos i-atras ang proyekto sa kanilang lalawigan, na sa simula pa lamang ay tinutulan na ng Simbahan dahil sa pagkasirang maidudulot nito sa kalikasan at sa kabuhayan ng mamamayan.

Aabot sa 400 hectares ang masasakop ng theme park kung natuloy ang pagpapagawa nito.

Ayon sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang papasok ng mga proyekto sa lipunan at ang mga ipatutupad na mga batas sa loob ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 113,649 total views

 113,649 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 136,808 total views

 136,808 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 158,082 total views

 158,082 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 318,683 total views

 318,683 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 295,840 total views

 295,840 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top