Pagtugon sa mental health crisis ng Marawi bakwits, malaking hamon sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total views

Itinuturing na isa sa malaking pag-subok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Healthcare ang pagtugon sa mental health crisis ng mga naapektuhan ng digmaan sa Marawi City.

Ayon kay Fr. Dan Cancino – Executive Secretary ng komisyon, isa sa pinakamalaking hadlang sa kanilang psycho-social intervention ang lengguwahe at kultura ng mga Maranao.

Dahil dito, tinuturuan pa rin ng CBCP-ECHC ang iba pang volunteers at mga katulong nitong grupo upang maging sensitibo sa kultura ng mga apektadong indibidwal.

“Maliit lang yung nagagawa ng komisyon on mental health through our partners doon sa mga healthcare commissions, nearby dioceses, kaya ang ginagawa natin ngayon ay kina-capacitate muna natin yung mga posibleng mga partners na maging sensitibo din duon sa kultura ng ating mga kapatid na nadisplace dahil sa marawi conflict,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas.

Aminado ang pari na bagamat nakapagbigay na ng mga paunang therapy sessions ang Simbahan at ang mga katuwang nitong grupo, ay malalim pa rin ang kinakailangang tugunan sa pangangailangan ng kalusugang pang-kaisipan ng mga Maranao.

“Ito yung napakalaking gap sa National Health program dahil isang challenge ay lengguwahe at kultura, mahirap kasing magbigay ng mental health assistance kung iba yung gamit na lengguwahe ng ating mga kapatid na Maranao,” dagdag pa ng pari.

Batay sa datos ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa Marawi noong ika-1 ng Agosto, umaabot sa 30,732 ang mga evacuees na kinakitaan ng mental disorder.

Mula sa naturang bilang 6,455 ang naitala sa level 2 na nangangailangan ng psycho social debriefing, 24, 199 ang nasa level 3 na nangangailangan ng one-on-one treatment, habang 78 naman ang umakyat na sa level 4 na nangangailangan ng masusing gamutan sa isang maayos na pasilidad.

Una nang inihayag sa panlipunang katuruan ng simbahan na walang sinuman ang nagwawagi sa digmaan dahil, nag-iiwan lamang ito ng labis na pangamba at kapighatian sa puso ng bawat biktima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 93,057 total views

 93,057 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 121,062 total views

 121,062 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 138,862 total views

 138,862 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 135,283 total views

 135,283 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 240,746 total views

 240,746 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 299,364 total views

 299,364 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top