Pagiging Chief of Police ng Iloilo city ni Espenido, ikinatatakot ng Archdiocese of Jaro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Umaasa ang Archdiocese of Jaro, Iloilo na hindi matutulad ang kanilang lalawigan sa naganap sa Albuera, Leyte at Ozamis City sa ilalim ng pamumuno ni Chief Inspector Jovie Espenido na kamakailan lamang ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer-in-charge ng Iloilo City Police.

Ayon kay Msgr. Meliton Oso, Social Action Director ng Archdiocese of Jaro, una nang nanawagan ang Simbahan sa mga Ilonggo na maging maingat at mapagmatyag sa mga nagaganap sa kanilang pamayanan.

Ipinaliwanag ng Pari na bagamat kaisa ng pamahalaan ang buong Arkideyosesis ng Jaro sa pagnanais na masugpo ang problema ng illegal na droga ay patuloy ang kanilang paninindigan laban sa extra-judicial killings bilang paraan ng pagsugpo sa problema.

“We Ilonggos are peace loving and we don’t want to happen to this beloved city and province of ours what happened in Albuera and what happened and Ozamis City and we are asking our people to be very vigilant because we are against Extra-judicial killings while we profess we want the drug problem to be truly and genuinely solve but not through extra-judicial killing…” paglilinaw ni Msgr. Oso sa Radio Veritas

Nakatakdang magpalabas ng isang opisyal na pahayag ang Archdiocese of Jaro, Iloilo upang maipaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte na mali ang kanyang mga naging pahayag patungkol sa pagiging laganap ng illegal na droga sa lalawigan ng Iloilo.

Giit ni Msgr. Oso, walang katotohanan ang sinabi ng Pangulo sa pagiging “shabulized” at “bedrock of shabu” ng Iloilo na una na ring kinumpirma ni PNP Chief Ronald dela Rosa sa panayam ng isang lokal na estasyon ng radio sa lalawigan.

“Our response is not specifically for Espenido but we will be hopefully coming up with a statement telling the President that what he is saying is not true because sources, documents are saying we are not shabulized, we are not the bedrock of shabu and even the PNP Chief Dela Rosa was interviewed by other local radio station and he was saying Iloilo is not shabulized and he didn’t tell the President that…”Dagdag pa ni Msgr. Oso.

Matatandaang naging kontrobersyal at mas nakilala ang pangalan ni Espenido matapos na mapatay sa operasyon ng mga pulis laban sa ilegal na droga ang dalawang alkalde kung saan siya dating nakatalaga – si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. na napatay mismo sa loob ng kulungan at si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na napatay naman sa loob ng kanyang bahay.

Kaugnay nito may 3 kasalukuyang alkalde sa lalawigan ang kabilang sa “Narco List” ng Pangulo, kabilang na sina Iloilo City Jed Mabilog, Calinog Mayor Alex Centena at Carles Mayor Sigfredo Betita.

Kaugnay nga nito sa kabila ng pagsuporta ng Simbahang Katolika sa mga programa ng pamahalaan ay mariin nitong kinokondena ang mga serye ng pagpaslang ng mga otoridad at Extra judicial killings.

Read:

Stop the Killing, Start the Healing

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 22,260 total reads

 22,260 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 43,585 total reads

 43,585 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 83,051 total reads

 83,051 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 117,179 total reads

 117,179 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 173,584 total reads

 173,584 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 22,261 total reads

 22,261 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top