Batas Militar sa Mindanao, ipatigil na.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total reads

Muling nanawagan ng kagyat na pagpapatigil ng Batas Militar sa Mindanao ang mga katutubong Lumad na bahagi ng Manilakbayan ng Pambansang Minorya 2017.

Ayon kay Dulphing Ogan, Secretary-General ng Kalumaran, at Council Member ng Sandugo na nagmula sa Saranggani Province, labis na ang kalupitang kanilang naranasan noong walang Martial Law sa Mindanao at lalo pa itong tumindi ngayong umiiral ito sa buong rehiyon.

Paliwanag ni Ogan, pinagpapaslang ang mga tulad niyang katutubo dahil lamang sa bintang na miyembro ng Maute-ISIS terror group.

Bukod dito, sinasalakay din ng mga militar ang kanilang paaralan dahilan upang magbakwit ang kanilang buong komunidad.

“Kami po sa sandugo ito yung pangalawang lakbayan for self determination ng mga pambansang minorya, Moro at mga katutubo sa buong bansa. Isang layunin namin pinakamalaking demand ay yung kagyat na pagtigil ng martial law sa Mindanao, at syempre ayaw din namin yung banta nito nagagawin sa buong bansa,”, bahagi ng pahayag ni Ogan sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ni Ogan na nito lamang nakaraang ika-20 ng Septyembre ay muling sinalakay ang alternative schools for the Lumad sa Magpet, North Cotabato sa pamamagitan ng aerial bombing.

Aniya kasalukuyan pa nilang inaalam ang sitwasyon, at ang bilang ng mga kasamahang muli na namang napilitang lumikas dahil sa pagsalakay.

“Para sa amin sa Kalumaran ng Mindanao sa Sandugo ng buong bansa yung mga calls naming stop attacks on our schools, attack on our community and people. Para sa amin noong wala pang martial law pinapanawagan namin ang justice for military abuses, ngayon mas pinapaigting namin, labanan namin itong Martial Law ni Duterte dahil walang mabuting idinudulot ito,”, dagdag pa ni Ogan.

Read: Ipawalang bisa ang Martial law sa Mindanao.

Ngayong 2017 ang ikalimang taon ng Manilakbayan ng Pambansang Minorya na kinabibilangan ng mga katutubo mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Bukod sa usapin ng Martial Law, naniniwala ang mga Lumad na ang pangunahing dahilan ng pang-aabuso at pagpapalayas sa kanila ay ang interes ng mga dayuhang negosyante sa yamang mineral ng kanilang mga lupain.

Noong 2015, nakapagtala ang grupong Global Witness ng 185 environmental activists na pinatay sa iba’t ibang bansa, kaya’t itinuring ang taóng ito bilang “deadliest year” para sa mga environmentalists.

Pumangalawa ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming pinaslang na environmentalists.

Ayon naman sa grupong Kalikasan, na nagmo-monitor sa panggigipit at pagpaslang sa mga environmentalist sa Pilipinas, aabot na sa 112 ang napatay sa nakalipas na 15 taon at labindalawa sa mga ito ay pinatay sa loob ng unang pitong buwang panunugkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 18,906 total reads

 18,906 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 38,453 total reads

 38,453 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,125 total reads

 78,125 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 112,253 total reads

 112,253 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 168,658 total reads

 168,658 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 17,468 total reads

 17,468 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 47,143 total reads

 47,143 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 40,002 total reads

 40,002 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top