Nakalulungkot at nakakahiya ang pagbuwis ng buhay sa hazing

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 356 total views

Muling kinondena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines(CBCP) ang mga fraternities na patuloy na nagsasagawa ng hazing.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Mission Chairman at Sorsogon Bishop Arturo Bastes, hindi makatao ang hazing initiation para sa mga nagnanais sumali sa isang kapatiran.

Sinabi ng Obispo na ang sinumang estudyante na magsasagawa nito ay nararapat na mapatalsik sa paaralang kanyang pinapasukan.

“It is a shame that hazing is still being done by fraternity of students in a Catholic University. It is absolutely senseless, cruel and inhuman and unchristian! Students who engage in this nonsensical practice must be expelled from school,” pagbibigay-diin ni Bishop Bastes.

Ikinalungkot naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pagkamatay ng law student at miyembro ng Aegis Juris Fraternity na si Horacio Tomas Castillo III na sinasabing biktima ng labis na pagpapahirap.

Kaugnay nito ay nanawagan ang Obispo na tuldukan na ang kultura ng hazing sa bansa na tanging karahasan at kamatayan lamang ang naidudulot at umaasa na matatamo ng pamilya Castillo ang karampatang hustisya.

“It is sad and shameful that a life was wasted just because hazing. Anything and anyone that promotes violence to one another and inflicts physical harms should be avoided, condemned and prosecuted. Hazing is just pain and agony which leads to disability or death. Justice must be served,” giit ni Bishop Santos.

Sumuko na sa awtoridad si John Paul Solana, ang pangunahing suspek sa pagkamatay ni Castillo. Sa kabila ng pagsasabatas ng Anti-Hazing Law noong 1995, sa tala ay umabot na sa 35 ang bilang mga nasawi dahil sa hazing.

Sa halip na dahas, una nang nanawagan si CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education Chairman at San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na pairalin sa bawat fraternities ang pagmamahal bilang magkakapatid tulad ng ipinaramdam ni Hesus sa kanyang mga desipulo.

Read: Fraternity hazing, tuluyan ng ipagbawal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 159,210 total views

 159,210 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 189,433 total views

 189,433 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 216,079 total views

 216,079 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 311,052 total views

 311,052 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 321,726 total views

 321,726 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 134,794 total views

 134,794 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 303,340 total views

 303,340 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top