Mga Migrante, nahaharap sa mga pagsubok at pakikipagsapalaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 821 total reads

Iba’t ibang kuwento ng pagsubok at pakikipagsapalaran ang nangingibabaw sa pagtitipon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), Seafarers, Katutubo at mga Migrante sa Caritas Manila bilang pakikiisa sa Worldwide Migrants Campaign ni Pope Francis na ‘‘Share the Journey.”

Kaugnay nito ay isa-isang ibinahagi ng mga migrante ang kanilang karanasan partikular na ang mga sulirinan na kanilang kinaharap habang naghahanap-buhay at naninirahan sa ibayong dagat.

Ayon kay Lorna Dante na dalawang taong naging katulong sa mga bansang Thailand at Vietnam, hindi madali ang mabuhay sa isang lugar na libu-libong milya ang layo sa Pilipinas.

“Kapag nagkakasakit ako s’yempre kailangan kong magtrabaho para talagang matustusan ko ang pamilya ko kahit may sakit ako. Pinipilit ko pa ring magtrabaho kahit hindi na kaya ng katawan ko. Sa mga nais mag-abroad, maging matatag lang kayo,” kuwento ng OFW.

Para naman kay 2nd Engineer Ray Mervin Umbania, isang Seafarer, ang hindi makilala ng kanyang sariling anak matapos magtrabaho ng mahabang panahon sa barko ang pinakamasakit na pangyayari na kanyang naranasan.

“Dumating ako ng bahay, ‘yung anak kong babae natakot at umiyak dahil s’yempre 9 months ka ba namang mawala at maliit pa s’ya no’n kaya hindi ka makilala talaga. Napakasakit para sa akin. Pero after two weeks pilit kong nilapit ang sarili ko, sa awa ng Diyos nakuha ko yung loob ng anak ko,” pagbabahagi ni Umbania.

Samantala, upang makayanan ang ‘home sickness’ at ‘culture shock’, pinayuhan ni Engr. John Agarry, isang Nigerian National na mahigit sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas, ang mga kapwa-migrante na maging bukas sa pagtanggap ng kultura at kaugalian ng mga tao sa bansang paroroonan.

“My message to other migrants, the first thing you need to do is remove whatever you have in your mind and your brain. You are going to a different country, learn about the culture. When you are able to learn about the culture, you are able to integrate yourself to the locals and from there you are able to value the host country,” ani Agarry.

Kasabay ng pagmulat sa publiko sa kasalukuyang kalagayan ng mga Migrante at Refugees, layunin ng two-year Share the Journey campaign ng Caritas Intertionalis na itaguyod ang ‘culture of encounter’ sa pagitan ng mga bansa at mga taong naghahanap ng kanlungan upang muling makapagsimula ng bagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,401 total reads

 5,401 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,700 total reads

 40,700 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,184 total reads

 77,184 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,395 total reads

 95,395 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,443 total reads

 179,443 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 215,775 total reads

 215,775 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,260 total reads

 355,260 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top