Simbahan, isusulong ang katarungan sa laganap na patayan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total reads

Gampanin ng Simbahan na maging sanctuary ng mga nangangailangan at naghahanap ng kalinga at proteksyon.

Ito ang inihayag ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa hakbang ni Lingayen, Dagupan Abp. Socrates Villegas na protektahan ang mga Pulis na nais tumestigo kaugnay sa mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa.

Giit ni Bishop Bacani, 24/7 na nakahandang magkanlong ang Simbahan ng sinumang nangangailangan na maligtas o walang masulingan upang maligtas ang kanilang buhay.

“Yan ay hindi bagong bagay sa simbahan kundi isa ito sa mga dapat gampanan, kinakailangan lalo na kung sa pamamagitan nito ay mapapatigil o mababawasan man lang ang mga ginagawang walang patumanggang pagpatay sa mga hindi naman dapat patayin,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Obispo, ang pagbibigay kanlungan sa mga taong nasa panganib ang buhay ay isang makatarungan at maka-Diyos na gawain at hindi ito ang unang pagkakataong gagawin ng Simbahan ang pagbibigay proteksyon sa mga nais tumestigo laban sa katiwalian sa bayan.

“Kung matatandaan natin noong panahon ni Gloria Macapagal Arroyo, si Sammy Ong ay tinago namin doon sa San Carlos Formation, tinago namin siya sa bahay pari kung saan ako nakatira. at dahil dito ay nailabas yung mga gusto niyang sabihin tungkol sa Garci Tapes na nakapagbukas din naman ng kamalayan ng mga tao,” dagdag pa ng Obispo.

Sa pagtataya ng mga Human Rights Advocates umaabot na sa 12,000 ang napapatay dahil sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan kasama na ang mga biktima ng extra-judicial killings.

Dahil dito, desidido ang simbahan na isulong ang katarungan para sa mga naging biktima ng madugong kampanya, upang matigil na rin ang lumalaganap pang patayan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,751 total reads

 60,751 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,768 total reads

 139,768 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,213 total reads

 173,213 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,511 total reads

 208,511 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,583 total reads

 432,583 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,879 total reads

 37,879 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,766 total reads

 30,766 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top