Diocese of Balanga, bukas na maging sanctuary ng mga whistleblower.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total reads

Suportado ng Diocese of Balanga ang panawagan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines President at Lingayan Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pagbibigay ng proteksyon sa mga opisyal ng pamahalaan at mga testigong natatakot tumestigo sa likod ng madugong kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, bukas ang buong diyosesis sa pagtanggap sa mga indibidwal na may hawak na mahahalagang impormasyon na posibleng makakatulong upang masugpo ang laganap na extra judicial killings sa bansa.

“Yes, we support and we are in solidarity with Archbishop Soc,” pahayag ni Bishop Santos.

Kaugnay nito, sinabi ng Obispo na maglalabas din ng bukod na ‘pastoral reflections’ ang diyosesis na tatalakay naman sa tunay na mandato ng kapulisan gayundin sa patuloy na pagsusulong ng katarungan at karapatang pantao.

“In our Diocese we will also issue pastoral reflections: by October 12 focusing on PNP motto ‘to protect and to serve’ and on November 1, focusing two sources death now: nawalan ng preno at nanlaban – ending on Church solidarity with victims, promotion of justice and assistance for contrite civil authorities,” pagbabahagi ni Bishop Santos.

Sa tala ng mga human rights advocates, umabot na sa 13-libo ang bilang ng mga napapatay na iniuugnay sa ilegal na droga kabilang ang may 4,000 katao na napaslang sa mga lehitimong police operations.

Una nang naglabas ng mensahe ang CBCP na humihikayat sa bawat simbahan, kumbento at seminaryo na magsilbing santuaryo para sa sa mga taong binabagabag ng kanilang konsiyensya dahil sa taglay na mga impormasyon na maaaring makalutas sa matinding drug problem sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 62,146 total reads

 62,146 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 141,099 total reads

 141,099 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,544 total reads

 174,544 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,842 total reads

 209,842 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,864 total reads

 433,864 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,878 total reads

 297,878 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,879 total reads

 408,879 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top