Simbahan, isusulong ang katarungan sa laganap na patayan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total reads

Gampanin ng Simbahan na maging sanctuary ng mga nangangailangan at naghahanap ng kalinga at proteksyon.

Ito ang inihayag ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa hakbang ni Lingayen, Dagupan Abp. Socrates Villegas na protektahan ang mga Pulis na nais tumestigo kaugnay sa mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa.

Giit ni Bishop Bacani, 24/7 na nakahandang magkanlong ang Simbahan ng sinumang nangangailangan na maligtas o walang masulingan upang maligtas ang kanilang buhay.

“Yan ay hindi bagong bagay sa simbahan kundi isa ito sa mga dapat gampanan, kinakailangan lalo na kung sa pamamagitan nito ay mapapatigil o mababawasan man lang ang mga ginagawang walang patumanggang pagpatay sa mga hindi naman dapat patayin,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng Obispo, ang pagbibigay kanlungan sa mga taong nasa panganib ang buhay ay isang makatarungan at maka-Diyos na gawain at hindi ito ang unang pagkakataong gagawin ng Simbahan ang pagbibigay proteksyon sa mga nais tumestigo laban sa katiwalian sa bayan.

“Kung matatandaan natin noong panahon ni Gloria Macapagal Arroyo, si Sammy Ong ay tinago namin doon sa San Carlos Formation, tinago namin siya sa bahay pari kung saan ako nakatira. at dahil dito ay nailabas yung mga gusto niyang sabihin tungkol sa Garci Tapes na nakapagbukas din naman ng kamalayan ng mga tao,” dagdag pa ng Obispo.

Sa pagtataya ng mga Human Rights Advocates umaabot na sa 12,000 ang napapatay dahil sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan kasama na ang mga biktima ng extra-judicial killings.

Dahil dito, desidido ang simbahan na isulong ang katarungan para sa mga naging biktima ng madugong kampanya, upang matigil na rin ang lumalaganap pang patayan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,279 total reads

 6,278 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,538 total reads

 41,538 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,022 total reads

 78,022 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,233 total reads

 96,233 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,229 total reads

 180,229 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,345 total reads

 378,345 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top