Ipanalangin ang kapakanan at pagbabago ng mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 857 total views

Ang nakatakdang paggunita ng Prison Awareness Week ay isang opurtunidad upang maipaalala ng Simbahan sa bawat isa na ipanalangin ang kapakanan, pagbabago at pagbabalik-loob ng mga bilanggo sa buong bansa.

Ito ang paalala ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – Chairman of CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education kaugnay sa nakatakdang paggunita ng Prison Awareness Week sa ika-23 hanggang ika-29 ng Oktubre 2017.

Pagbabahagi ng Obispo, dapat na maintindihan ng bawat isa na sa kabila ng mga nagawang kasalanan ng mga bilanggo ay mas nararapat pa silang ipanalangin upang ipagkaloob ng Panginoon ang kapatawaran sa kanilang mga nagawang kasalanan at maging daan upang sila ay makapagbagong buhay.

“Pagdiriwang po natin yung Prison Awareness Week ito po ay napakahalaga para sa ganun ay maalala yung mga prisoners po natin, mga kapatid na madalas ay nakakaligtaan po natin yung Simbahan ay binibigyan tayo ng pagkakataon para mabisita at maalala sila sa ating mga pang-araw-araw na pagdadasal, yung isang mahalagang bagay po siguro na maintindihan natin na itong mga kapatid nating ito ay nangangailangan ng pagbabago at ipagdasal po natin sila at naniniwala po tayo na walang imposible sa Diyos…”pahayag ni Bishop Mallari sa panayam sa Radio Veritas.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilanguan ay dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas sa lipunan at nararapat na maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

Sa kabila nito batay sa tala kasalukuyan aabot na sa higit 100-libo ang bilang ng mga bilango sa higit 400 kulungan ng BJMP sa buong bansa na nakalaan lamang para sa 26-na-libong inmates.

Lumalabas na halos 80-porsyento ng mga bilanggo sa bansa ay labis sa kapasidad ng mga kulungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 131,916 total views

 131,916 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 162,139 total views

 162,139 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 188,786 total views

 188,786 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 283,759 total views

 283,759 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 296,252 total views

 296,252 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top