Muling pagpapaliban sa Barangay at SK election, kinatigan ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Welcome sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang paglagda ng pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 10952 na nagpapaliban sa nakatakdang SK at Barangay election.

Sinabi ni PPCRV  Vice-chairman for Internal Affairs Johnny Cardenas na naaangkop lamang na nagkaroon ng batas upang hindi na mabitin at masayang pa ang paghahanda ng lahat para sa halalang pambarangay.

Inihayag ni Cardenas na nakasubaybay ang PPCRV sa pinal na desisyon upang maihanda ang mga volunteers sa iba’t-ibang diyosesis sa buong bansa.

Ayon kay Cardenas, dahil sa muling pagpapaliban ng halalan ay magkakaroon pa ng sapat na panahon ang lahat upang mapaghandaan ito sa susunod na taon.

“Mabuti naman at nagkaroon na ng final decision doon sa cancellation ng October kasi nakabitin lahat kung tutuloy o hindi so it has been signed already then at least wala ng (gagawing preparations) pati kami eh kasi naghahanda rin kami to mobilized yung volunteer pero kung meron ng official suspension okey na, okey na din kami at least we have sufficient time to prepare for 2018…”pahayag ni Cardenas sa Veritas patrol.

Sa ilalim ng nilagdaang Republic Act No. 10952 noong ika-2 ng Oktubre ay itinakda ang halalang Pambarangay sa ika-14 ng Mayo o ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo ng susunod na taong 2018 na halos higit 7-buwan magmula ngayon.

Nasasaad rin sa naturang kautusan ang pananatili ng kasalukuyang mga opisyal ng barangay hanggang sa ika-30 ng Hunyo, 2018 bago opisyal na maupo sa katungkulan ang mga nanalong sa Halalang Pambarangay sa Mayo.

Bukod dito, nakapaloob rin sa RA 10952 na matapos ang isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 14, 2018 ay susundan muli ito ng Halalang Pambarangay sa ikalawang Lunes ng Mayo taong 2020 at magmula ito ay muli ng isasagawa ang Barangay at SK Elections kada tatlong taon.

Mula ng maitatag noong 1991 umabot na sa 28-eleksyon ang nilahukan at binantayan ng PPCRV na pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas kung saan sa kasalukuyan ay umaabot na sa 700-libo ang volunteers nito mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Nauna rito, tinawag ng Association of Major Religious Superior of the Philippines na isang senyales ng authoritarianism ang muli na namang pagpapaliban sa SK aty Barangay elections.

Read: Muling pagpapaliban sa Barangay at SK election, labag sa Saligang Batas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,404 total reads

 5,404 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,703 total reads

 40,703 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,187 total reads

 77,187 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,398 total reads

 95,398 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,446 total reads

 179,446 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,953 total reads

 38,953 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top