Payak na pumumuhay, paalala ng Pista ng Pangilin sa Payag.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 900 total reads

Ipagdiriwang ng lalawigan ng Misamis Occidental ang isa sa pinakamalaking pagtitipon- ang Pista ng Pangilin sa Payag (Feast of the Tent) bukas, ika-7 ng Oktubre.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ito ay isang pagdiriwang na nilalahukan ng lahat ng mga simbahan ng lalawigan.

Paliwanag ni Archbishop, ang kapistahang ito ay napapanahon dahil ito ay panawagan sa mga mananampalataya ng pagiging payak sa pamumuhay.

“Dito pala may celebration sila na ganyan, Pangilin sa Payag. It is a reminder of the people of Misamis Occidental, that our forefathers were people of simplicity, they live simply to care for the earth, the environment. And we have to follow our… the virtues of our fore fathers. I like this celebration because it is very relevant and very appropriate, calling people to be simple and also to have a sense of being neighbors to one another,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Dagdag pa ng arsobispo, isa ring tampok sa Pista sa Payag ay ang paghahandog ng ‘Sugong’ na mula sa iba’t ibang simbahan na nilalagyan ng donasyon o pondo para sa mga pari na ginagamit sa kanilang pagpapagamot.

“One feature of Pangilin sa Payag, is their love for priest and they will offer ‘Sugong’. From month of September, the BEC’s they will transfer Sugong from one chapel to another and will offer it sa Pangilin sa Payag and the money raised will be for the health care of our priest,” dagdag pa ng Obispo.

Ang Sugong ay isang kawayan na ginagamit noon ng ating mga ninuno sa pag-iigib ng tubig.

Pangunahan ni Archbishop Jumoad ang misa na isasagawa sa Birhen ng Kotta sa Panguil Bay at si Archbishop Emeritus Jesus Dosado naman ang siyang magbibigay ng homiliya.

Ang Birhen ng Kotta ng Ozamiz ay itinayo noong 1755 ito ay tinatawag kilala rin bilang Nuestra Señora de Triunfo o Our Lady of Triumph at pinaniniwalaang milagrosa na kalimitang dinarayo ng mga pilgim tuwing ika-16 ng Hulyo at ika-8 ng Disyembre. Ito rin ay nagsisilbing gabay sa mangingisda ng Panguil Bay.

Si Archbishop Jumoad ay itinalagang arsobispo ng Ozamiz noong 2016 bilang kahalili ni Archbishop Dosado.

Ang arkidiyosesis ay binubuo ng 43 mga pari na nangangasiwa sa 22 parokya.

Ang lalawigan ay binubuo ng higit sa 600 libong populasyon na may 70 porsiyento ang mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,891 total reads

 56,891 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 136,147 total reads

 136,147 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,592 total reads

 169,592 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,890 total reads

 204,890 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,106 total reads

 429,106 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,729 total reads

 16,729 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top