Death penalty bills, tuluyan ng i-archives sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 416 total reads

Muling nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na iwaksi na ang death penalty sa bansa.

Sa halip, sinabi ng Obispo na dapat paigtingin ang justice system ng bansa at maging patas ang katarungan maging ano man ang antas ng pamumuhay.

“Ang pinakamahusay talaga ay pagalingin ang ating justice system, at yung paghuli, pagprisinta ng ebidensya, paglilitis, padaliin hindi yung nakalalamang ‘yung maykaya kaysa sa mga pipitsuging kriminal,” ayon kay Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Mungkahi din ng Obispo ang pagpapalago ng ekonomiya ng bansa upang magkaroon ng kabuhayan ang bawat Filipino at hindi na matukso sa paggawa ng masama at gumamit pa ng karahasan para sa kanilang kabuhayan.

Huwag na sanang ipilit pa ‘yang death penalty, paulit-ulit na lang tuwing may mangyayaring mabigat na krimen,” ayon pa sa Obispo.

Ngayong araw, ipinagdiriwang ang ika-15th World Day Against Death Penalty na ang pangunahing layunin ay ipaalam sa publiko na hindi sagot sa paglala ng krimen ang parusang kamatayan lalu’t kalimitang biktima at nahahatulan ay pawang mga mahihirap.

Isang misa naman ang idinaos sa CBCP Chapel sa Intramuros Manila na pinangunahan ni Fr. Silvino Borres, SJ ang pangulo Coalition Against Death Penalty (CADP) at Rector ng Loyola House of Studies.

Base naman sa tala, 98 bansa na sa buong mundo ang hindi na nagpapatupad ng parusang bitay.

Sa Pilipinas, pumasa na sa huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang death penalty bill na pinaboran ng may 217 mambabatas, habang nananatili pa ring nakabinbin ang usapin sa Senado.

Iginiit pa ng Obispo na ang buhay ng tao ay napakahalaga.

“Ang buhay ng tao ay napakahalaga, at tandaan natin habang may buhay may pag-asa at ngayon natatanto na hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang panig ng mundo na ang death penalty ay hindi talagang solusyon para matapos ang karahasan, kundi mas nakadagdag pa nga iyan sa atmosphere ng karahasan sa isang bansa.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,284 total reads

 6,284 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,543 total reads

 41,543 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,027 total reads

 78,027 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,238 total reads

 96,238 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,234 total reads

 180,234 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top