PDEA, makikipagtulungan sa Simbahan sa kampanya kontra droga.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 444 total reads

Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang ahensiya maging sa Simbahan kaugnay sa kanilang panibagong mandato bilang sole agency o solong tagapangasiwa ng Anti-illegal Drug campaign ng pamahalaan sa buong bansa.

Ayon kay Derrick Carreon – Spokesperson ng PDEA, maaring direktang makipag-ugnayan ang Simbahan sa ahensiya kung saan handang makipagtulungan ito upang epektibong masugpo ang malawakang kalakalan ng ipinagbabawal ng gamot.

“There is such an organization already existing, the Ugnayan ng Barangay at Simbahan then makikipag-link-up po kami sa Barangay, palakasin natin ito or you can also directly coordinate with us, wala naman pong problema…“ pahayag ni Carreon sa panayam sa Radio Veritas.

Dagdag pa ni Carreon, nakatakda ring makipag-ugnayan ang PDEA sa Department of Interior and Local Government upang magkaroon ng mas malawak na saklaw sa mga barangay sa buong bansa.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9165, itinatag ang Philippine Drug Enforcement Agency para pangalagaan ang integridad ng mga mamamayan lalo na ang kabataan mula sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Batay sa pinakahuling tala ng PDEA noong Mayo nasa mahigit 4.7-milyon ang bilang ng mga gumagamit ng ilegal na droga sa bansa partikular ng shabu, marijuana, cocaine, ecstasy at solvent.

Una nang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga, ngunit binigyang diing hindi nararapat na malabag ang anumang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat at kitilin ang buhay maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,000 total reads

 31,000 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,131 total reads

 67,131 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,401 total reads

 293,401 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 186,868 total reads

 186,868 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,263 total reads

 279,263 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top