Apostolic journey ni Pope Francis sa Myanmar, tuloy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 483 total reads

Inihayag ni Radio Veritas Vatican respondent Father Greg Gaston – Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma na muling magkakaroon ng Apostolic journey ang Kanyang Kabanalan Francisco sa Myanmar.

Paliwanag ng Pari, ang kontinente ng Asya ay sadyang malapit sa puso ng Santo Papa dahil dito isinilang si Hesus na nagtatag ng pananampalatayang Kristiyano.

Sa katunayan, ibinahagi ni Father Gaston ang pagnanais ni Pope Francis na matalaga sa Asya noong siya’y isa pang Paring Heswita.

“Alam niyo naman mahal na mahal nya [Pope Francis] yung Asia at kung tutuusin kasi ang Christianity saan bang continent nagsimula? Si Jesus saang continent siya? Ang Holy Land ay sa Asia, pinanganak si Jesus sa Asia,”pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito hinimok ni Father Gaston ang mga mananampalataya sa Asya na ipagdasal din ang Santo Papa dahil sa bigat ng tungkuling naka-atang sa kanya bilang Ama ng Simbahang Katolika.

“So si Pope Francis naman nung nasa Argentina pa siya nung Jesuit siya gusto niyang makapunta sa Asia o ma-assign sa Asia although hindi siya natuloy kaya ngayon isa sa mga unang trips niya nung naging Pope pumunta sa Korea, Philippines, Sri Lanka. Talagang mahal na mahal niya ang Asia kaya ipagdasal din natin siya dahil ang dami niyang trabaho dito,” dagdag pa ng Pari.

Ayon sa Vatican Statistical Yearbook umabot na sa mahigit 1.285 bilyong Katoliko ang nasa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Naitala ang halos 49-porsiyento ng mga katoliko ang naninirahan sa North at South America, 22.2-percent sa Europa, 17.3-porsiyento sa Africa at 11-porsiyento sa Asia.

Kinilala naman ni Fr. Gaston ang Asya bilang isa sa pinaka-relihiyosong kontinente dahil dito din matatagpuan ang ugat ng iba pang relihiyon sa mundo tulad ng Hinduismo, Budismo, at Muslim.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,160 total reads

 126,160 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,198 total reads

 263,198 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,973 total reads

 378,973 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,226 total reads

 494,226 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,296 total reads

 47,296 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,831 total reads

 76,831 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,675 total reads

 69,675 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top