Itigil na ang kultura ng katakutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total reads

Magsuot ng damit na kawangis ang mga Santo sa halip na magsuot ng mga nakakatakot ngayong halloween.

Ito ang mungkahi ni Father Daniel Estacio, exorcist ng Diocese of Pasig at parish priest ng Santo Niño de Taguig kaugnay sa nauusong halloween party at trick or treat sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng All Saints Day at All Souls Day.

“Kumbaga pino-promote natin yung culture ng katatakutan, na hindi naman talaga ‘yun ang essence ng pagdiriwang natin ng All Saints Day at All Souls Day-so paggunita ‘yun sa mga mahal nating yumao at paggunita sa mga banal na kasama na ng Panginoon sa langit,” ayon kay Fr. Estacio.

Ayon kay Fr. Estacio, sa halip na ipromote ang nakakatakot na kultura mas mabuting gamitin itong pagkakataon para magbigay ng katesismo hinggil sa mga santo ng simbahang katolika na siyang dapat maging modelo at tularan lalu na ng mga kabataan.

Dagdag pa ng pari, ang pagsusuot ng mga nakakatakot na itsura ay maari ring makaengganyo ng mga masasamang espiritu.

“The more na nagsusuot ka ng mga costume na mga nakakatakot kumbaga pinpromote mo ang mga kademonyuhan, ‘yung mga evil spirit. Hindi siya advisable. Di ba nung tayo ay bininyagan dinamitan tayo ng puting kasuotan, yun ang ating baptismal garment ang tawag sa atin sa pagkakabanal. So therefore, kailangan i-maintain natin ‘yun. So kung magkakaroon man tayo ng costume yung mga costume na ng mga Santo na instead ung mga katatakutan,”pahayag ni Fr. Estacio.

Dagdag pa ng pari; “Not necessarily na sasapian ka, kumbaga the more mo kasi silang nirerecognize ang presence nila, parang pinahahalagahan mo sila. So it could invite, pero not necessarily na sasapian ka.”

Kamakailan lamang, 35 bagong Santo ang itinalaga ng simbahan na ayon kay Pope Francis ay isang patunay ng pagmamahal ng Panginoon sa mga tao – at magbibigay ng mabuting halimbawa sa ating pamumuhay ang pagmamahal na pangunahing sandata sa kasamaan.

Una na ring hinikayat ni Pasig Bishop Mylo Vergara, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media ang mananampalataya lalu na ang kabataan na magdamit tulad ng mga santo at gawin itong tradisyon- ang ‘parade of saints’ na taunan nang isinasagawa sa ilang mga parokya at katolikong paaralan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,612 total reads

 14,612 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,940 total reads

 72,940 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,307 total reads

 158,307 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,043 total reads

 205,043 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,914 total reads

 252,914 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,325 total reads

 353,325 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top