PALEA sa mga botante, iboto ang mga kandidatong may malasakit sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total reads

Nanawagan sa mga botante partikular na sa mga manggagawa ang Philippine Airlines Employees Association o PALEA na pumili ng mga opisyal ng pamahalaan na tunay na magsusulong sa interes ng mga mangagagawa at maralita sa bansa.

Inihayag ni Alnem Pretencio – Vice President ng P-A-L-E-A na nararapat na maging malalim ang pagkilatis ng mga mamamayan sa kakayahan, plataporma at prinsipyo ng mga kandidato na tunay na tutugon sa kalagayan ng mga manggagawa.

“Tumingin tayo hindi lang sa personalidad, tumingin tayo hindi lang dahil sikat siya sa t.v, hindi lang dahil sikat siya sa larangan ng Social Media kundi tingnan natin ang mga tumatakbong opisyales ng gobyerno sa kanyang kakayanan, kakayanang mamuno sa ating bayan, kakayahang suportahan ang mga maliliit kasi ano naman ito, 6 years 3 years manunungkulan pero walang mahihinatnan, kailangan tayo nang mga kakampi talaga natin na magsusulong ng mga interes ng mga manggagawa at maralitang Filipino…” pahayag ni Pretencio sa Radio Veritas

Iginiit ni Pretencio na napapanahon na upang suriin ng mga opisyal ng pamahalaan ang kalagayan sa paggawa ng mga manggagawa upang maibalik ang tinatawag na dangal sa paggawa.

Aniya, dapat nang suriin at bigyang pansin ng pamahalaan ang mga kasalukuyang batas ukol sa paggawa o Labor Law tulad ng haba ng oras sa paggawa at naangkop na kita o living wage na sasapat para sa pangangailangan ng isang pamilya at maibalik ang digdinad ng isang manggagawa.

Batay sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority (NEDA) tinatayang nasa P1,200 kada araw ang required living wage allowance para sa pamilya na may limang miyembro sa Metro Manila.

Samantalang, nananatiling 50-posyento o katumbas ng 11.2-milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap – na kadalasang biktima ng vote buying at vote selling tuwing halalan batay narin sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS sa pagtatapos ng 2015.

Ayon kay Pope Francis, isa sa pangunahing karapatan ng isang tao sa lipunan ay ang pagkakaroon ng isang marangal na trabaho na may karampatan sahod at benepisyo para sa kanilang paggawa upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,989 total reads

 48,989 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,690 total reads

 128,690 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,137 total reads

 162,137 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,435 total reads

 197,435 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,054 total reads

 422,054 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top