Huwag magpanggap, paalala ni Cardinal Tagle sa mga bagong pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa at ang sakramento ng ordinasyon ng apat na dekano ng Lorenzo Ruiz Mission Society sa Cathedral Basilica ng Immaculate Conception.

Ang mga inordinahan bilang mga bagong pari ay sina Reverend Fathers Joseph Mary Sigfred Arellano; Aidan Zaballer; Joel Bonina; at Riel Palmario.

Ang Lorenzo Ruiz Mission Society ay itinatag noong 1997.

Habilin ni Cardinal Tagle sa mga bagong pari na ang pagmamahal kay kristo ay pundasyon ng tunay na paglilingkod.

“The foundation of true service and ministry is the love of Christ,” ayon kay Cardinal sa kauna-unahang ordination rites na isinagawa sa Manila Cathedral kasabay ng pagsisimula ng Year of the Clergy and Consecrated Persons ngayong taon.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle sa mga bagong pari ang pagiging mapagkumbaba sa halip na magmarunong ng higit pa sa Panginoon.

“Jesus will remain the shepherd and we should not take over. We just feed the sheep. We are the humble caretakers, custodian. Huwag tayong magpapanggap! Ang mamamahala sa simbahan, kung mahal natin si Hesus, hahayahan natin siyang mag-alaga sa simbahan at tayo ay collaborators, tagapangalaga.” pahayag ni Cardinal Tagle

Ang Lorenzo Ruiz Mission Society ay may 30 mga pari at 40 mga seminarista.

Bago ito una na ring itinatag ng nooy si Manila Archibishop Jaime Cardinal Sin ang Lorenzo Mission Institute (LMI) noong 1987 para mapaigting ang mga apostalado ng Filipino-Chinese sa bansa na pinasimulan noong 16th century ni Bishop Domingo Salazar ang kauna-unahang obispo ng Manila.

Ang apat na bagong pari ay karagdagang pari sa higit sa 10,000 pari sa buong bansa base sa 2016 catholic directory.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng simbahan ang Year of the Clergy and Consecrated Person: Renewed Servant Leaders for the New Evangelization na hangarin din na bigyang tuon ng simbahan ang paghihikayat ng bagong papasok sa bokasyon ng pagpapari.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,500 total reads

 4,500 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,628 total reads

 4,628 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 9,189 total reads

 9,189 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,593 total reads

 65,593 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 189,097 total reads

 189,097 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 274,128 total reads

 274,128 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,502 total reads

 4,502 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,630 total reads

 4,630 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top