Pag-ibig ni Maria, tanglaw ng kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total reads

Sumentro sa pagkilala kay Maria bilang Ina ng sangkatauhan ang ikalimang taon ng Patron of the Arts Musicial: An Evening with the Cardinal na ginanap sa Meralco Theater.

Sa ilalim ng temang Maria The Most Beautiful Sound, dinaluhan ng libu-libong mananampalayata, pari, madre at mga seminarista ang taunang konsiyerto na pinangunahan ng Arkidiyosesis ng Maynila katuwang ang Jesuit Communications (JesCom) Foundation Inc.

Sa kanyang mensahe, inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang pagsasabuhay ng pag-ibig na unang ipinamalas ni Maria ang tanging magiging tanglaw upang matamo ang kapayapaan sa isang lipunan na nababalot ng kadiliman, tukso at hindi pagkakaintindihan.

“We must find our way back to what is simple and true, that justice and peace can only achieve their fullest version in our society and in our world when we inform our actions with love… Our beloved Mother Mary has shown us that when we choose to love, when we choose charity, when we choose mercy we are made into the instruments of our Lord and we are able to wield his power here on Earth,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala bilang pagbibigay-pugay sa kadakilaan ng mga ina, kinilala bilang 2017 Patron of the Arts Awardee ang batikang direktor na si Laurice Guillen dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa mundo ng paggawa ng pelikula na nakasentro sa pagmamahal ng Diyos sa tao.

Ayon kay Guillen, si Maria ang kanyang naging inspirasyon sa bawat obra na kanyang ginagawa na tunay na daan patungo sa kaharian ng Diyos mula sa mundong maraming nagpapanggap na diyos-diyosan.

“Magtiwala kay Mama Mary at maging bukas ang loob sa mga pagkakataon na binibigay N’ya sa atin na makatulong sa iba, magmahal ng kapwa tulad ng pagmamahal niya kay Hesus. When I say na maging bukas sa mga pagkakataon, I never really aggressively went out of my way to accomplish things or prove my devotion, or prove my love with God. It’s really just nagtitiwala lang talaga ako dahil nakatalaga ang buhay ko sa Kanya. Siya na ang gagawa ng pagkakataon at ang kasagutan lang mula sa akin is to say yes,” ani Guillen

Tampok sa selebrasyon ang mga tanyag na performers sa larangan ng pag-awit tulad ni Noel Cabangon, Frenchie Dy, Menchu Lauchengco-Yulo at Poppert Bernadas kung saan ang pondong malilikom ay susuporta sa Mother-in-Crisis, isang organisasyon na tumutulong sa mga inang nagdurusa mula sa kahirapan.

Naging hudyat naman ng pagtatapos ng konsiyerto ang ‘You’ll Be in My Heart’ at ‘When You Believe’ song number ni Cardinal Tagle kasama si JesCom Executive Director Fr. Nono Alfonso at mga tauhan ng dula.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 1,614 total reads

 1,614 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 1,744 total reads

 1,744 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 4,192 total reads

 4,192 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 60,597 total reads

 60,597 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 184,103 total reads

 184,103 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 269,388 total reads

 269,388 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 317,298 total reads

 317,298 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 423,388 total reads

 423,388 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top