Simbahan, mananatiling kalakbay ng mga biktima at naulila ng Tokhang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total reads

Mananatiling kalakbay ang simbahan ng mga biktima ng karahasan partikular ang mga naulila dahil sa tokhang o kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Fr. Danny Pilario, dean ng Saint Vincent School of Theology.

“Mahirap po, pero kapag nakikita naming kayo na nagsisikap na mabuhay, kami po ay nabibigyan din ng pagasa. Kaya tuloy lang po tayo, ang simbahan po ay kasama ninyo. Kami po ay makikilakbay sapagkat alam namin. Hindi lamang ngayong Pasko kundi sa araw-araw na pamumuhay,” ang bahagi ng homiliya ni Fr. Pilario.

Ayon pa kay Fr. Pilario sa isinagawang ‘Pagtitipon sa Pasko ng mga Balo’t Ulila’ na ginanap sa Sanctuario de San Vicente de Paul sa Quezon City – mananatili ang pagtulong ng simbahan lalu’t karamihan sa mga naulila at balo ng mga biktima ng tokhang ay nagpapatuloy sa kanilang pagbangon sa kabila ng karahasan.

“Lahat po kayo ay nagsisikap na mabuhay sa kabila ng karahasan. At ngayon patuloy pa rin ang pagpatay. Tinanggal na sa PNP, ngayon ibinalik na naman. Hindi ako magtataka kung sa susunod na buwan may patay na biktima na naman tulad ng inyong mga asawa,” ayon kay Fr. Pilario

Ayon kay Fr. Pilario, higit sa 100 ang biktima ng tokhang sa Payatas na karaniwang natatagpuan sa paanan ng bundok ng basura.

Stop the Killings!

Ito ang patuloy na panawagan ng may higit sa 100 pamilya na nabalo at naulila ng mga nabiktima ng Tokhang.

Bitbit ng bawat pamilya sa prusisyon sa labas ng simbahan ang larawan ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay na pinatay dahil sa hinalang may kinalaman ang mga ito sa ilegal na droga.

Panawagan ng bawat pamilya ang mahinto na ang mga pagpaslang at manaig ang katarungan sa mga pagpatay.

Kabilang sa mga dumalo ang mga pamilya ng biktima ng tokhang mula sa Caloocan, Quezon City, Manila at maging sa Bulacan.

Sa misang isiganawa sa St. Vincent De Paul Parish, nag-alay ng mga bulaklak ang mga kaanak matapos ang misa.

Base sa ulat, higit sa 13,000 ng mga hinihinalang pusher at adik ang napatay, kabilang na dito ang higit sa 3,000 napaslang dahil sa police drug operations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 3,390 total reads

 3,390 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 38,814 total reads

 38,814 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 75,298 total reads

 75,298 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 93,509 total reads

 93,509 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 177,680 total reads

 177,680 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top