Maging daluyan ng kagandahang loob ng Diyos-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 453 total reads

Maging salamin ng kabutihang loob ng Panginoon upang maranasan ang Pasko sa bawat araw.

Ito ang hamon sa mananampalataya ng pagdiriwang ng Pasko ng pagsilang ni Hesus.

Dahil ang Pasko ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay ang patunay ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na maisilang si Hesukristo upang iligtas ang sambayanan mula sa pagkakasala.

Ang mensahe ni Cardinal Tagle ay kaugnay na rin sa misa para sa pagdiriwang ng Solemnity of the Nativity of the Lord na ginanap sa Missionaries of Charity sa Tayuman Manila.

Ayon kay Cardinal Tagle, si Hesukristo ay isinilang sa sabsaban at nagtapos sa pamamagitan ng pagkakapako sa Krus at iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang anak.

Kaya ang Pasko ay pagbubukas ng loob ng Diyos, tayo na dapat balewalain na Niya, pinapasok tayo sa kaniyang loob. Sana tayo rin, buksan ang ating kalooban maging magandang loob din tayo.,” ng bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle

Dahil dito, sinabi ng Cardinal na marapat lamang na ang bawat isa ay maging saksi sa kabutihan ng Panginoon na tulad ni Juan Bautista ay ibahagi rin ito sa ating kapwa.

“Tayo ngayon ang mga Juan Bautista sa mundo natin,  lahat po tayo ay nagpapatotoo, sumaksi tayo na nagmagandang loob nga ang Diyos. At paano ‘yun, hindi lang sa salita sana makita ng mga tao sa atin sa gawa, sa ugali, sa pananalita, sa pakikipag-ugnayan makita sana ng mga tao ang kagandahang loob natin…” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Dagdag pa niya; “Kung lalaganap lamang ang kagandahang loob araw-araw walang tao na magsasamantala sa kapwa. Walang mag-iisip na gamitin ang kapwa sa maling paraan kahit mapasama siya. Walang mandurugas, walang magsasamantala, walang dudurog sa kapwa. Baka darating ang panahon kapag may kagandahang loob, baka hindi na natin kailangan ang pulis, hindi na kailangan ang military kasi wala namang gagawa ng masama sa kapwa, dahil may kagandahang loob. E di araw-araw magiging Pasko lagi.”

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng may 800 batang may sakit na mula sa Missionaries of Charity Home of the Sick Children at mga pamilyang walang tahanan na sama-samang nagsalo-salo ng pagkain sa pagdiriwang ng paggunita ng kapanganakan ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 12,910 total reads

 12,910 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 49,410 total reads

 49,410 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 270,030 total reads

 270,030 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 304,700 total reads

 304,700 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 319,803 total reads

 319,803 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top