Maging daluyan ng kagandahang loob ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total reads

Maging salamin ng kabutihang loob ng Panginoon upang maranasan ang Pasko sa bawat araw.

Ito ang hamon sa mananampalataya ng pagdiriwang ng Pasko ng pagsilang ni Hesus.

Dahil ang Pasko ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay ang patunay ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na maisilang si Hesukristo upang iligtas ang sambayanan mula sa pagkakasala.

Ang mensahe ni Cardinal Tagle ay kaugnay na rin sa misa para sa pagdiriwang ng Solemnity of the Nativity of the Lord na ginanap sa Missionaries of Charity sa Tayuman Manila.

Ayon kay Cardinal Tagle, si Hesukristo ay isinilang sa sabsaban at nagtapos sa pamamagitan ng pagkakapako sa Krus at iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng kanyang anak.

“Kaya ang Pasko ay pagbubukas ng loob ng Diyos, tayo na dapat balewalain na Niya, pinapasok tayo sa kaniyang loob. Sana tayo rin, buksan ang ating kalooban maging magandang loob din tayo.,’’ ang bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle

Dahil dito, sinabi ng Cardinal na marapat lamang na ang bawat isa ay maging saksi sa kabutihan ng Panginoon na tulad ni Juan Bautista ay ibahagi rin ito sa ating kapwa.

“Ngayon po dumating na, tayo ngayon ang mga Juan Bautista sa mundo natin. Lahat po tayo lahat nagpapatotoo, sumaksi tayo na nagmagandang loob nga ang Diyos. At paano ‘yun, hindi lang sa salita sana makita ng mga tao sa atin sa gawa, sa ugali, sa pananalita, sa pakikipag-ugnayan makita sana ng mga tao ang kagandahang loob natin. At pag makita nila ‘yun, sana makita na nila ang kagandahang loob ng Diyos.
,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Dagdag pa niya; “Kung lalaganap lamang ang kagandahang loob araw-araw walang tao na magsasamantala sa kapwa. Walang mag-iisip na gamitin ang kapwa sa maling paraan kahit mapasama siya. Walang mandurugas, walang magsasamantala, walang dudurog sa kapwa. Baka darating ang panahon kapag may kagandahang loob, baka hindi na natin kailangan ang pulis, hindi na kailangan ang military kasi wala namang gagawa ng masama sa kapwa, dahil may kagandahang loob. E di araw-araw magiging Pasko lagi.
.”

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng may 800 batang may sakit na mula sa Missionaries of Charity Home of the Sick Children at mga pamilyang walang tahanan na sama-samang nagsalo-salo ng pagkain sa pagdiriwang ng paggunita ng kapanganakan ni Hesus.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,896 total reads

 8,896 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,567 total reads

 63,567 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,932 total reads

 148,932 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,669 total reads

 195,669 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,541 total reads

 243,541 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,367 total reads

 344,367 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top