Simbahan, umaapela sa pamahalaan ng mabilis na tulong sa Mayon evacuees.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,066 total reads

Umaapela si Father Rex Arjona – Social Action Center Director ng Diocese of Legaspi sa pamahalaan na bilisan ang pagpapadala ng tulong sa mga evacuees dahil sa patuloy na unstable condition ng bulkang Mayon na nasa alert level 4 na.

Ayon sa pari, nauunawaan nitong umpisa pa lamang ng taon at hindi pa ganoon kaayos ang distribusyon ng pamahalaan sa kanilang pondo.

Gayunman, umaasa si Father Arjona na makikita ng mga nasa katungkulan ang kagyat na pangangailangan ng Diocese of Legaspi at ng mga bayang nasasakupan nito dahil sa tumitinding epekto ng pagsabog ng bulkang Mayon.

“Hinihingi ko sana gawin nating platform para sana marinig ng mga national officials natin. Yung mga parating. Pakibilis-bilisan naman po. With all the checks and balances pero sana naman ma-approve na agad. Kasi pano yan? Otherwise, tayong mga pribado. Yung simbahan, civic groups, private entities. Nagsisimula namang magtulong-tulungan. Together we can help, pero we know naman na may pera ang gobyerno. Para Makita na ito ay urgently needed naman.” Pahayag ng pari sa panayam ng Radyo Veritas.

Samantala, nangangamba rin si Father Arjona sa posibleng epekto sa kalusugan ng pagsabog ng bulkang Mayon.

Ayon sa pari, isa sa inaalala nito ang respiratory diseases na maaaring makuha dahil sa volcanic gas at mga abong inilalabas ng bulkang mayon.

Bukod dito, bunsod ng patuloy na pag-ulan ay nangangamba rin ang pari sa posibilidad na makakuha ang mga taong nasa evacuation centers ng mga sakit mula sa lamok.

Dahil dito, pangunahing apela ng Diocese of Legazpi ang mga pagkain, at hygiene kits para sa mga residenteng lumikas bukod dito nanawagan na rin si Father Arjona para sa mga face masks, o bimpo na maaaring maipantakip sa ilong at bibig ng mga tao.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang Social Action Center ng Diyosesis ng Legazpi ng humigit kumulang 40, 000 mga indibidwal na lumikas at nananatili sa 36 na mga evacuation centers.

Naunang nananawagan ang Caritas Manila at Radio Veritas 846 ng panalangin para sa divine protection at tulong para matugunan ang pangangailangan ng mga nagsilikas na residente na apektado ng nakaambang pagsabog ng bulkang Mayon sa pamamagitan ng cash at in kind donations.

Ang cash donations ay maaring ipadala online sa http://ushare.unionbankph.com/caritas/ o ideposito sa bangko.

Account Name: Caritas Manila
Banco De Oro – Savings Account No.: 5600-45905
Bank of the Philippine Islands – Savings Account No.: 3063-5357-01
Metrobank – Savings Account No.: 175-3-175069543

Binuksan na rin ng Diocese of Legazpi ang kanilang HARONG program para sa mga Mayon evacuee.

Read:  Diocese of Legazpi, binuksan ang Harong housing sa Mayon evacuees

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,759 total reads

 54,759 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,173 total reads

 134,173 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,618 total reads

 167,618 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,916 total reads

 202,916 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,253 total reads

 427,253 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,745 total reads

 37,745 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,634 total reads

 30,634 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top