Buhay ng tao at kalikasan, dapat pangalagaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total views

Ito ang mensahe ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes kasabay na rin ng paanyaya sa lahat ng mananamapalataya na makiisa sa isasagagawang ‘Walk For Life’ ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa ika-24 ng Pebrero 2018 sa Quirino Grandstand.

Giit ni Bishop Bastes, bukod sa buhay ng tao mahalagang pangalagaan ang kalikasan dahil ang bawat isang nilalang ay may kaugnayan.

“Kung wala ang kalikasan, hindi naman mabubuhay ang tao. Kaya ang lahat ng nilalang ng Diyos kalikasan, mga tao, mga hayop at iba pa bigyan ng respeto. Nang lahat ng ito ay nilalang ng Diyos may kaugnayan sa lahat. Tayong lahat may kaugnayan, dahil tayo ay nilalang ng Diyos. Dahil ang Diyos ang tunay na pag-ibig,” ayon kay Bishop Bastes.

Pinaalalahahan ng Obispo ang lahat na igalang ang buhay na biyayang mula sa Panginoon.

“Ito ang unang dulot ng Panginoon para atin, kaya mahalaga ang buhay ng tao. Dahil si Kristong nagpadigdi sa sanlibutan tanganing ibigay ang buhay sa kabuuhan ng buhay, buhay na walang hanggan at maski na ang buhay dito sa sanlibutan. Kaya mahalaga sa ating pamahalaan magrespeto sa buhay ng lahat ng mga tao, lahat ng mga Filipno. Wala sanang ejk, abortion, euthanasia, birth control na nakakasira sa buhay ng tao. Kaya tayong mga kristiyano, lalu mga katoliko na may importante na mensahe ang simbahan na sa panahon ngayon the critical time para sa buhay hindi lamang ang buhay ng tao kundi pati buhay ng kalikasan,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.

Ang pagtitipon ay isasagawa sa February 24, 2018 alas-4 ng umaga sa Quirino Grandstand Parade Ground.

Isang misa pasasalamat din ang isasagawa na pangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Una na ring nanawagan ang kaniyang Kabanalan Francisco na isang kasalanan ang pagsira ng kalikasan na magdudulot ng kapahamakan sa mamamayan.

Taong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Eastern at Central Visayas na nagdulot din ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa kung saan hingi sa 6,000 katao ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 19,742 total views

 19,742 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 47,747 total views

 47,747 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 65,547 total views

 65,547 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 64,723 total views

 64,723 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 175,746 total views

 175,746 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top