Simbahan, malaki ang gampanin sa pagpapatatag ng OFWs family

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 512 total reads

Malaki ang maitutulong ng Simbahang Katolika upang magkaloob ng mga intervention sa pagpapatatag ng pamilya ng mga Overseas Filipino Workers.

Ito ang inihayag ni Msgr. Jerry Bitoon, Vicar General ng Diocese of San Pablo, Laguna kaugnay sa isinagawang national event sa diyosesis para sa 32nd National Migrants’ Sunday.

Ayon sa Pari, hindi sapat na ipagdasal lamang ang kapakanan ng mga OFW sa halip ay dapat na gumawa ng kongkretong aksyon at intervention sa iba pang mga suliraning kinahaharap ng OFW family tulad ng regular na family counseling sa mga naiwang mahal sa buhay ng mga ito.

“Hindi lang tayo ‘ipagdasal natin ang mga migrants’ hindi sapat yung dasal lang there should be more action, of course kaalintabay nung panalangin and one of the actions precisely in which the Church will be ask yun ang ating strength ay yung intervention, family counseling pero hindi lamang occational pero its going to be like an ongoing things…” pahayag ni Msgr. Bitoon sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Msgr. Bitoon na ang matagal na pagkawalay sa isang kapamilya o mahal sa buhay ay kadalasang nagdudulot ng pagkakaroon ng distansya sa mga miyembro ng pamilya hindi lamang sa usaping pang-pisikal kundi maging pang-emosyunal ng mag-asawa.

Dahil dito naniniwala ang Pari na malaki ang magagawa ng Simbahan upang maging sandigan ng pamilya ng mga OFW sa pamamagitan ng mga intervention at paggabay kung saan kabilang rin ito sa mga naging panawagan at hamon ni St. John Paul the 2nd sa mga taong Simbahan bilang mga eksperto sa humanity.

Pinangunahan ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang naging pagdiriwang ng Simbahan sa 32nd National Migrants’ Sunday na dinaluhan ng nasa 600 delegado mula sa iba’t ibang diyosesis.

Batay sa tala ng kumisyon may tinatayang aabot sa 10-milyon ang mga OFW sa iba’t ibang bansa ngunit karamihan ay matatagpuan sa United Arab Emirates, Saudi Arabia, Qatar, Hong Kong at Kuwait.

Taong 1987 ng idineklara ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang unang araw ng Linggo ng Kwaresma bilang National Migrants Sunday bilang pagkilala at paggalang sa mga sakripisyo at kabayanihan ng mga OFW at kanilang mga naiwang mahal sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,797 total reads

 75,797 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,095 total reads

 154,095 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,542 total reads

 187,542 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,839 total reads

 222,839 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,324 total reads

 446,324 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top