Bishop-elect Santos, tatalima sa misyon ng Panginoon.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Ipinapaubaya na sa Diyos ni Bishop-elect Bartolome Gaspar Santos Jr. ang kaniyang bagong misyon sa simbahan bilang Obispo ng Diocese ng Iba, Zambales.

Ayon kay Bishop Santos, bagama’t pagiging simpleng pari lamang ang kaniyang pangarap ay malugod niyang tatanggapin ang bagong misyon sa kagustuhan ng Panginoon.

“Lahat ng ginawa ng Diyos sa ‘yo, inihahanda ng Diyos at tutulungan ka ng Diyos sumunod ka lang sa kanya,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Umaasa din ang bagong Obispo na tubong Santa Maria, Bulacan na magiging maayos ang kanyang panunungkulan sa diyosesis ng Iba sa tulong na rin ng mga pari at mga mananampalataya.

“Ako naman ay servant. Then we walk together. We journey together, siguro at we talk things over pag-usapan,” pahayag ng Obispo.

Inaasahang bago dumating ang ika-17 ng Mayo ay nasa Iba, Zambales na si Bishop Santos bilang kahalili ni Bishop Florentino Lavarias na unang itinalaga bilang arsobispo ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga noong 2014.

Nagpapasalamat din ang obispo sa mga nanalangin at patuloy na nagdarasal sa kanya sa bagong gawaing naiatang para sa kapurihan ng Panginoon.

“Salamat din sa mga nagdarasal para sa akin. Patuloy lamang po ang pananalangin mas kailangan para hindi manghina ang loob ko kundi lagi akong malakas para makapaglingkod ako sa Diocese ng Iba,” ayon kay Bishop.

Si Bishop Santos ay itinalaga ng kaniyang kabanalan Francisco noong February 17, 2018 bilang ika-limang obispo ng Iba, Zambales.

Base sa tala ng catholic-hierarchy.org noong 2016, ang diyosesis ay may higit sa 700,000 populasyon kung saan 80 porsiyento ang mga Katoliko.

Ito rin ay binubuo ng may 50 mga pari at 22 parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 25,483 total reads

 25,483 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 76,806 total reads

 76,806 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 124,677 total reads

 124,677 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 228,625 total reads

 228,625 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 313,418 total reads

 313,418 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top