China, gagamiting special rights ang undersea discovery sa Benham Rise

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 681 total reads

Bagama’t hindi maaring gamiting batayan bilang pag-aari ang pagpapangalan sa limang undersea features ng China, nangangamba naman ang isang eksperto na gamitin din itong dahilan ng China para magkaroon ng special rights at privilege sa Pilipinas kaugnay sa Benham Rise.

Ito ang paglilinaw ni Professor Jay Batongbacal, Director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea.

“Maari nilang gamitin ang discovery na iyon bilang dahilan para humingi ng special rights or privileges from the Philippines parang additional argument na pressure tayo na bigyan sila, kilalanin ang kanilang preemptive rights ika nga dahil nauna sila,” ayon kay Batongbacal.

Ayon kay Batongbacal, bagama’t taong 2012 nang mapalunan ng Pilipinas ang pag-aari sa Benham Rise ay hindi naman umalma ang bansa sa pagpapangalan ng Chinese researchers sa ilang bahagi ng Benham Rise.

Ang Benham Rise ay hango sa pangalan ng isang US Navy Admiral noong 19th century at pinangalanang Philippine Rise noong nakalipas na taong 2017.

Ayon kay Batongbacal, hindi dapat maging kampante ang pamahalaan sa ginagawang pagpapangalan ng China na maaring gamitin laban sa Pilipinas para sa anumang interes lalut ang mga research team ng China ay may kaugnayan sa pagmimina.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang usapin ng China at Pilipinas sa West Philippines Sea sa kabila na rin ng desisyon ng United Nations Convention on Law of the Sea na ito ay bahagi ng Pilipinas.

Sa usaping ito, una na ring nanawagan ng panalangin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa maayos na resolusyon sa mga pinag-aagawang territoryo at ang patuloy na pangangalaga sa mga isla at maging sa yamang dagat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,155 total reads

 232,155 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,886 total reads

 263,886 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,710 total reads

 365,710 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,273 total reads

 406,273 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,358 total reads

 417,358 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top