Bishop-elect Santos, tatalima sa misyon ng Panginoon.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

Ipinapaubaya na sa Diyos ni Bishop-elect Bartolome Gaspar Santos Jr. ang kaniyang bagong misyon sa simbahan bilang Obispo ng Diocese ng Iba, Zambales.

Ayon kay Bishop Santos, bagama’t pagiging simpleng pari lamang ang kaniyang pangarap ay malugod niyang tatanggapin ang bagong misyon sa kagustuhan ng Panginoon.

“Lahat ng ginawa ng Diyos sa ‘yo, inihahanda ng Diyos at tutulungan ka ng Diyos sumunod ka lang sa kanya,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Umaasa din ang bagong Obispo na tubong Santa Maria, Bulacan na magiging maayos ang kanyang panunungkulan sa diyosesis ng Iba sa tulong na rin ng mga pari at mga mananampalataya.

“Ako naman ay servant. Then we walk together. We journey together, siguro at we talk things over pag-usapan,” pahayag ng Obispo.

Inaasahang bago dumating ang ika-17 ng Mayo ay nasa Iba, Zambales na si Bishop Santos bilang kahalili ni Bishop Florentino Lavarias na unang itinalaga bilang arsobispo ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga noong 2014.

Nagpapasalamat din ang obispo sa mga nanalangin at patuloy na nagdarasal sa kanya sa bagong gawaing naiatang para sa kapurihan ng Panginoon.

“Salamat din sa mga nagdarasal para sa akin. Patuloy lamang po ang pananalangin mas kailangan para hindi manghina ang loob ko kundi lagi akong malakas para makapaglingkod ako sa Diocese ng Iba,” ayon kay Bishop.

Si Bishop Santos ay itinalaga ng kaniyang kabanalan Francisco noong February 17, 2018 bilang ika-limang obispo ng Iba, Zambales.

Base sa tala ng catholic-hierarchy.org noong 2016, ang diyosesis ay may higit sa 700,000 populasyon kung saan 80 porsiyento ang mga Katoliko.

Ito rin ay binubuo ng may 50 mga pari at 22 parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,526 total reads

 231,526 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,257 total reads

 263,257 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,081 total reads

 365,081 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,644 total reads

 405,644 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,770 total reads

 416,770 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top