Pulitiko, bawal magsalita sa Walk for Life

SHARE THE TRUTH

 279 total views

Nilinaw ng Sangguniang Layko ng Pilipinas na nakasentro ang nakatakdang Walk For Life sa ika-24 ng Pebrero sa lahat ng mga layko na mayroong nagkakaisang paninindigan para sa buhay.

Paliwanag ni Maria Julieta Wasan – Presidente ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, bagamat maaring makiisa at makibahagi ang lahat maging ang mga politiko, opisyal ng pamahalaan at mga kilalang personalidad sa pagkilos ay hindi naman pahihintulutan ang kanilang pagsasalita sa entablado.

Pagbabahagi ni Wasan, may mga piling indibidwal ang magsasalita para sa programa na tatalakay sa pagsusulong ng paninindigan at pagpapahalaga ng bawat isa sa kasagraduhan ng buhay.

“Kinalulungkot po naming sabihin na pang-layko po ang aming programa at wala po kaming tinitingnan na kahit anong estado ng kanyang paging miyembro kunwari in politician, pantay pantay po ang tingin namin so hindi po sila maaring magsalita kasi may mga pinili na po kami na magsasalita para sa amin…” paglilinaw ni Wasan sa Radio Veritas

Kabilang sa mga inimbitahang magsalita sa programa ay ang aktres na si Cherry Pie Picache na isang pro-life advocate at tutol sa pagbabalik ng parusang kamatayan o death penalty sa kabila ng pagpatay sa kanyang ina noong 2014.
Kaugnay nito unang binigyang diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na ang nakatakdang Walk for Life ay bahagi ng patuloy na pagsusulong sa kasagraduhan ng buhay.

Pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang banal na misa para sa layuning manindigan sa buhay na hindi lamang nakatuon sa usapin ng extrajudicial killings kundi sa iba pang usapin na malaking banta sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.

Matatandaang noong ika-18 ng Pebrero ng nakaraang taong 2017 ay umabot sa higit 20-libong indibidwal mula sa 17 mga diyosesis sa bansa ang nakiisa sa isinagawang Walk For Life na isang pagpapakita ng paninindigan ng bawat mananampalataya sa pagsususlong sa kasagraduhan ng buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 153 total views

 153 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,515 total views

 25,515 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,143 total views

 36,143 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,165 total views

 57,165 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,870 total views

 75,870 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top