Simbahan, pinasasalamatan ng WWF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 329 total views

Pinasalamatan ni Atty. Gia Ibay, Earth Hour National Director at Head ng Climate and Energy Program ng World Wide Fund for Nature Philippines ang Simbahang Katolika at Radyo Veritas sa patuloy na pagsuporta sa programa nitong Earth Hour.

Ayon kay Ibay, sa pamamagitan ng tulong ng simbahan at Radyo Veritas, ay mas naipaaabot sa publiko ang mensahe ng Earth Hour na pagbalik sa payak na pamumuhay, pangangalaga at pagpapanatili sa samu’t-saring buhay ng kalikasan para sa kapakinabangan ng susunod pang henerasyon.

“Once again, thank you so much for supporting Earth Hour throughout the years, Radio Veritas has been a very huge supporter of us and we are very honored and grateful for their support, again we call on them to also support us this year and hopefully to spread the message that we need to connect to earth to go back to the basics and to help our planet to generate itself and hopefully conserve biodiversity and use the movement of Earth Hour to do that.” pahayag ni Ibay sa Radyo Veritas.

Samantala, hinimok naman ni Dumaguete Bishop Julito Cortes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Healthcare ang mga mananampalataya na sa nalalapit na pagdiriwang ng Earth Hour ay sariwain ng bawat isa ang matitinding epekto ng climate change na dinanas ng Pilipinas.

Paliwanag ng Obispo, malaki ang maitutulong ng pagtitipid sa kuryente dahil sa pamamagitan ng Earth Hour ay nababawasan ang konsumo ng elektrisidad sa buong mundo na nakatutulong upang mabawasan rin ang epekto ng pagbabago ng klima.

Dagdag pa ni Bishop Cortes, bagamat sa pagdaraos ng Earth Hour ay naghahari ang dilim sa paligid, nangangahulugan naman ito ng mas ligtas at mas malusog na kalikasan, na siyang pangunahing pakikinabang ng mga tao.

“By turning off our lights for one hour, you and I together with the rest of the world are making the earth darker, darker but safer, darker but healthier. Let us be guarded of our long reign of self-inflicted darkness as an act of retrieving what is basic in our life.” pahayag ni Bishop Cortez sa Radyo Veritas.

Ngayong taon, inaanyayahan ang bawat Filipino na makiisa sa Earth Hour sa pamamagitan ng pagpapatay ng ilang mga electrical appliances.

Gaganapin ito sa ika-24 ng Marso simula alas otso y medya hanggang alas nuebe y medya ng gabi.

Kasabay nito, tatalakayin naman sa espesyal na programa ng Radyo Veritas na “Ang Banal na Oras” ang Epekto ng nagbabagong klima sa pagkalipol ng samu’t-saring buhay sa kalikasan.

Ang espesyal na programa ay mapapakinggan sa ganap na alas otso hanggang alas diyes ng gabi kasama sina Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity at si Rodne Galicha – Country Manager ng Climate Reality Project.

Ngayong 2018 ang ika-11 taon ng pagdiriwang ng Earth Hour, tinatayang umaabot sa 166 Meggawatts ng kuryente ang natitipid sa loob lamang ng isang oras na pagsasagawa ng programa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 20,060 total views

 20,060 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 70,744 total views

 70,744 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 76,873 total views

 76,873 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 106,318 total views

 106,318 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 124,030 total views

 124,030 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 322,325 total views

 322,325 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top