Hindi magandang habit ang pagpapaliban ng Barangay at SK elections-PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 541 total views

Naninindigan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa pagtutol sa muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Binigyan diin ni Atty. Rene Sarmiento, national president ng PPCRV hindi na makakabuti ang patuloy na pagkakaantala ng halalan

“Hindi po maganda. Ito nga ay for the 3rd time na at mukhang nagiging past time at habit na ito. Ang isang katangian ng isang demokrasya ay periodic at regular election para mapalitan ang mga hindi nababagay sa panunungkulan at palitan ng mga mahuhusay,” ayon kay Sarmiento.

Taong 2016 nang ipagpaliban ang Barangay at SK elections, at muling ipinagpaliban noong October 2017 nang lagdaan ng pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng halalan sa Mayo 2018.

Tiniyak naman ni Sarmiento na patuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng P-P-C-R-V para sa nakatakdang halalan sa Mayo sa kabila ng isinusulong na pagpapaliban ng Mababang Kapulungan.

Higit sa 800,000 voters ang nagparehistro para sa nakatakdang 2018 election ayon sa Commission on Elections habang higit naman sa 40,000 ang bilang ng mga barangay sa buong Pilipinas.
Kabilang din sa isinagawang paghahanda ng PPCRV ang information campaign para sa tamang pagboto, maging ang pagkakaroon ng mga talakayan kaugnay na naman sa usapin ng Federalism.

Layon nito na bigyang kaalaman ang mga botante hinggil sa pederalismo kaugnay na rin sa posibleng pagpapalit ng government system ng bansa mula sa pagiging demokrasya.

Sang-ayon sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang malayang pagpili ng mga kandidato at pagboto ay karapatan ng bawat mamamayan na hindi dapat pigilan at bagkus ay dapat itaguyod at pangalagaan ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 13,577 total views

 13,577 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 83,689 total views

 83,689 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,303 total views

 158,303 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,383 total views

 238,382 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 281,112 total views

 281,112 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top