Internet voting para sa mga Overseas Filipino Workers, isinusulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total reads

Umaasa si Engr. Francisco ‘Jun’ Aguilar – Pangulo ng Filipino Migrants Workers Group na pag-aaralan at suriing mabuti ng Commission on Elections ang pagpapatupad ng Internet Voting para sa mga Overseas Filipino Workers upang masolusyunan ang mababang voting turn-out tuwing eleksyon.

Nilinaw ni Aguilar na ang distansiya o layo ng mga voting places sa mismong kinaroroonan ng mga OFW ang isang pangunahing dahilan kung bakit mababa ang voting turn-out sa araw ng halalan.

“Ang the best solution at alam ko doable is internet voting, with technology available you don’t need to leave the house you can vote, you don’t need to leave your ship if you are a seafearer for you to be able to vote, lahat ng teknolohiya available kung talagang gustong padaliin ang buhay namin ng mga namumuno…” panawagan ni Aguilar sa COMELEC.

Ipinaliwanag ni Aguilar na mas makakaginhawa ang internet voting para sa mga OFW dahil hindi madali ang pag-alis at pagbiyahe ng mga ito patungo sa mga konsulado o tanggapan ng Embahada ng Pilipinas na kadalasang nasa kabisera ng bawat bansa.

Batay sa tala ng Comelec, noong 2010 umabot lamang sa 25.99 percent ang overseas voter turnout kung saan higit sa 150-libong OFW lamang ang bumoto mula sa higit 580-libong overseas registered voters, habang noong 2013 naman ay naitala ang 16.11-percent voter turnout kung saan mahigit sa 100-libo lamang ang bumoto mula sa 700-libong rehistradong OFW.

Matatandaang una nang inihayag ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itenerant People na maari ring ikonsedera at pag-aralan ng Comelec para sa mga susunod pang eleksyon ang pagsasagawa ng halalan sa mga Simbahan at parokya sa iba’t ibang bansa upang mas mapalapit sa mga botante.

Samantala ayon sa Center for Migrant Advocacy Philippines, aabot sa 5-libong mga Pilipino ang lumalabas ng bansa kada araw o 1.8-milyon kada taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 72,640 total reads

 72,640 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 120,580 total reads

 120,580 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,451 total reads

 168,451 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,398 total reads

 272,398 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,090 total reads

 355,090 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top