Mga botante, walang mapapala sa scripted na Presidential debate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 330 total views

Hindi kumbinsido si Professor Ronald Simbulan – Vice Chairman ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) na tunay na nailalahad ng mga kandidato ang kanilang mga plano at plataporma sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga debate.

Paliwanag ni Simbulan, praktisado at kabisado na ng mga kandidato ang mga posibleng tanong at naangkop na sagot kung kaya’t hindi rin ito tunay na makatutulong sa pagsusuri ng mga botante sa kakayahan at plano ng mga kandidato na mamumuno sa bansa sa susunod na anim na taon.

“Practically parang naglalaban lang yung mga personalidad nila, nagtatagisan lang kasi yung mga sinasabi nila basically hindi naman talaga party platforms parang individual ano lang o kaya ano ang ibinulong sa kanila ng kanilamg mga advisers para maganda yung dating nung kanilang sagot, maganda para sa mga listeners and viewers…” pahayag ni Simbulan sa panayam sa Radio Veritas

Hinimok naman ni Simbulan ang mga botante na seryosohin ang pagkilatis sa mga kandidato lalo’t hindi biro ang anim na taon na panunungkulan sa pamahalaan.

Kaugnay nito, isa pang PiliPinas Debates 2016 ang nakatakdang isagawa ng Commission on Elections sa Luzon sa ika-24 ng Abril bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng kumisyon sa maayos at malinis na halalan.

Batay sa COMELEC Resolution No. 10002, mayroong 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider na maihahalal ngayong darating na May 9 – National at Local Elections, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan.

Sa tala tinatayang umabot sa higit 54.6 na milyon ang rehistradong botante na nakapagpatala para sa susunod na eleksyon bukod pa sa 1.3 milyong Overseas absentee voters.

Patuloy rin ang paghihikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na huwag balewalain ang kasagraduhan ng pagboto, bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 10,011 total views

 10,011 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 43,093 total views

 43,093 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 71,444 total views

 71,444 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 139,174 total views

 139,174 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 161,504 total views

 161,504 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top