Mga botante, walang mapapala sa scripted na Presidential debate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 381 total reads

Hindi kumbinsido si Professor Ronald Simbulan – Vice Chairman ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) na tunay na nailalahad ng mga kandidato ang kanilang mga plano at plataporma sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga debate.

Paliwanag ni Simbulan, praktisado at kabisado na ng mga kandidato ang mga posibleng tanong at naangkop na sagot kung kaya’t hindi rin ito tunay na makatutulong sa pagsusuri ng mga botante sa kakayahan at plano ng mga kandidato na mamumuno sa bansa sa susunod na anim na taon.

“Practically parang naglalaban lang yung mga personalidad nila, nagtatagisan lang kasi yung mga sinasabi nila basically hindi naman talaga party platforms parang individual ano lang o kaya ano ang ibinulong sa kanila ng kanilamg mga advisers para maganda yung dating nung kanilang sagot, maganda para sa mga listeners and viewers…” pahayag ni Simbulan sa panayam sa Radio Veritas

Hinimok naman ni Simbulan ang mga botante na seryosohin ang pagkilatis sa mga kandidato lalo’t hindi biro ang anim na taon na panunungkulan sa pamahalaan.

Kaugnay nito, isa pang PiliPinas Debates 2016 ang nakatakdang isagawa ng Commission on Elections sa Luzon sa ika-24 ng Abril bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng kumisyon sa maayos at malinis na halalan.

Batay sa COMELEC Resolution No. 10002, mayroong 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider na maihahalal ngayong darating na May 9 – National at Local Elections, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan.

Sa tala tinatayang umabot sa higit 54.6 na milyon ang rehistradong botante na nakapagpatala para sa susunod na eleksyon bukod pa sa 1.3 milyong Overseas absentee voters.

Patuloy rin ang paghihikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na huwag balewalain ang kasagraduhan ng pagboto, bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 75,830 total reads

 75,830 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 123,570 total reads

 123,570 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 171,441 total reads

 171,441 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 275,388 total reads

 275,388 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 357,947 total reads

 357,947 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top